SA- Chapter 58

67 0 0
                                        

PRINCESS' POV
"Sila Amy and Angela pasok. Si Ashley at Isaac pasok din sila. Si Rianne at si Edi kasama din. Si Kasey at si Lia oo din. Sila Marco at Stella kasama. Ailene and Sera, sila din. At sila Princess at Ivan. Sila lang. You all did your best. So don't feel bad. Line up na para makapagpapirma na ng clearance nyo."

Lahat kami, nagsipila na. Nagkakagulo pa nga eh.

"Magpeperform pa pala tayo, Princess."

Nagulat ako sa kay Ivan non. "Grabe! Ginulat mo ako!"

"Sorry. Pero, magpeperform pa talaga ulit tayo?"

"Ayaw mo nun? May plus points tayo!"

"Gusto naman. Pero, bubuhatin kita ulit. Hindi naman ikaw mabigat pero mas mabigat ka pa sa bag ko. Tapos papaluin mo pa ako! Masakit kaya yun!"

I giggled. "Sorry. Atsaka nga buti at maliit lang ako at payat!"

We both chuckled. "Magkabisa kaya tayo. Nagbubulol pa ako nun sa AVR."

"Ako din eh. Ang hirap pa ng multitasking . Tableau plus reciting a poem!"

"Sige, let's practice on everything."

"E-everything?"

Tumango sya.

"Sa mga taong magpa-practice, pwede kayo sa corridors." Mrs. Cortes

Tapos lahat ng mga kasama ay dumiretso na sa labas.

"Love can build up for a while," I recited, "And it will make us widely smile..."

Nang matapos ay napatingin nalang ako kay Ivan habang nagkakabisa sya. Napansin nya yata na tinititigan ko sya. "Bakit?"

"Ahm... Wala. Tinitignan ko lang kung nakabisado mo na talaga."

Tumango-tango lang sya.

"Mukhang kabisado mo naman. Nahihirapan lang tayo isabay-sabay ang pagrecite at tableau."

"Oo nga. Dapat talaga i-practice natin yun para maayos na."

Tumango nalang ako.

We started the steps. Ugh! I regret doing this practice!!!

"Yieeeeee!" hiyaw ng mga kaklase ko. I blushed.

"A-ahm... A-ano nga u-ulit ang s-susunod na l-lines?"

"Tsk. Nakalimutan mo na naman?" nakangiti at calm nyang tanong. Omayghad! Nakaka-in love naman 'tong lalaking 'to. Di madaling mag-give up.

"YIEEEEE!" hiyaw na naman nila.

"Tsk. NAKAKABINGI KAYA KAYO!!!" sigaw ko sa kanila. Tsk! Nakakaloka!

He chuckled and said, "Matanong ko lang... Ganyan ka pala ka-ingay, di mo linalabas?"

"Wala lang..."

"Natanong ko nga pala kay Sophie dati..."

"Hmmm?" tinaasan ko sya ng isang kilay.

"May crush ka ba sa akin?"

I blushed. Omayghad! Ano na? Sasabihin ko ba? O ano? "U-uh. U-uh... Di totoo yan! Grabe! Bakit mo naman natanong?" pagdedeny ko. Sasabihin ko pa nga sana, 'Wag ka ngang feelingero!' pero wag na. Ang sama ko naman pag ganun.

"Wala lang. Kasi tine-tease tayo ng mga kaklase natin eh."

"Naiinis nga ako sa kanila eh." I said. At totoo yun.

"Oo nga eh. Nakakairita!"

I nodded. "Let's continue the practice, shall we?"

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon