THIRD PERSON'S POV
Sila Princess, Ashley, Dyannth at Alvin nalang ang natira sa kwarto. Nauna na si Nico dahil meron pa syang reports na kailangang tapusin, pero bago umalis ay nagpaalam ito kay Michelle at sinabihang magpagaling ito.Sinusubuan nila Ashley at Dyannth si Michelle ng lugaw. Biglang pumasok sa kwarto si Christopher at ipinagpaalam ang kanyang girlfriend at lumabas.
"Go..." sabi ni Michelle. Wala nga syang kaalam-alam na nag-away ang dalawa eh.
Nagtatalop ng mansanas si Alvin. "Oh, eto Princess..."
"S-salamat..."
"Alam mo ba Prin— Sorry nakakahawa 'tong lalaking 'to. Alam mo ba Michelle etong si Alvin ang nagdala sayo dito. Nahimatay ka raw sa simbahan tapos sinalo ka nya."
"Sinalo?"
"Oo! Tapos kinarga ka nya na para bang bagong kasal lang..."
'Wait! Bakit kasal na naman?!' sabi ni Dyannth sa isip.
"Kinarga?"
"O-oo, kinarga. Tapos yun dinala ka dito. Alalang-alala nga sayo halos ma—"
"Halos?"
"Ah wala yun. Wala lang yun..." sabi ni Alvin.
Si ate author na lang magtutuloy sa dapat sasabihin ni Dyannth, halos maiyak na si Alvin. Oo totoo, halos maiyak si Alvin. Alalang-alala kasi sya kay Princess. Wala eh... Mahal parin nya eh— Oopps! Spoiler!
MICHELLE'S POV
Halos ma...pagod? Halos ma...katulog? Halos ma...hulog? Halos ma... Halos ma-ano?! Tsaka ano ba meron at ayaw sabihin sa akin ni Alvin?!Kumakain ako ng apple nang magpaalam si Dyannth na aalis muna sya. Kami nalang ni Alvin ang natitira sa loob ng room. There was an awkward silence.
Until...
"Uhm..." parehas kaming nagsalita.
Hinawakan nya ang kamay ko gamit ang dalawang kamay nya. "I... I—"
"Alam ko naman eh... You don't have to say sorry..."
"Hindi naman iyon ang sasabihin ko eh..."
"H-ha? A-ano?"
"I... I... I... Mahal parin kita..."
Napatulala ako sa sinabi nya at kasabay nun ay ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Ewan ko ba, dahil ba parehas parin kami ng nararamdaman? Well, I have to admit... Hindi parin ako nakakapag-move on... Halata naman eh.
"I... I... feel the same way..." huminto ako. "Bakit nga ba... Ano nga ba nangyari sa atin? Mahal parin naman pala natin ang isa't isa. Bakit ba kailangang may hahadlang sa atin? Bakit ba kailangang layuan at iwasan natin ang isa't isa? Bakit?!"
"H-hindi ko rin alam... H-hindi ko rin mapaliwanag... Masakit... Nasaktan talaga ako nung hiniwalayan kita... At mas lalo akong nasaktan nung makita kang umiiyak... Umiiyak nang dahil sa akin... Dahil sa katarantaduhan ko... I'm really sorry... I'm really sorry, Princess..."
"You don't have to say sorry... Dati pa yun... Nakaraan na yun..."
There was silence for a few minutes. He squeezed my hand into his.
"I'm sorry Princess... I'm so sorry..."
Bumukas ang pinto at pumasok si Dyannth.
"Hey— Oh..." tumingin sya sa amin at mukhang nagulat sya. "S-sorry... Okay, I'll go now..."
Sumara ulit ang pinto at kaming dalawa nalang ulit ang natitira. At bigla nalang tumulo ang mga luha ko.
"Well, I guess we should start all over again. Let's start fresh. Don't you think?"
"Yeah. I agree."
"Friends?"
"Friends."
I smiled at him. Well, this is nice. Single parin ako. Ayaw ko naman kasi masaktan ulit. Sino ba naman ang gusto masaktan? Pero parte naman yun ng pagmamahal. Masasaktan at masasaktan ka. That's why mahirap magmahal...
==========================
So iyernzz na. I hope you liked it! 😉 Friends ulit sila... pero hanggang friends lang sila. 😞So sorry for the long wait. #hslife
BINABASA MO ANG
Secret Admirer (EDITING)
Fiksi RemajaSi Princess ay may crush sa iisang tao sa kanilang school. Crush na crush nya ito nang isang araw na isipan nya na mag-confess dito. Dahil sa medyo matagal na nga nya itong crush parang may nararamdaman syang kakaiba... parang LOVE? Napapaisip nga l...