SA- Chapter 62

45 1 0
                                    

~•~Fast Forward~•~

MICHELLE'S POV
Princess MICHELLE Ramos. Sa university na ito, kilala ako bilang Michelle/Mich.

Marami siguro kayong tanong tulad, bakit hindi na Princess ang tawag sa akin? Bakit Michelle ang ginagamit kong pangalan ngayon? Well, a lot has changed.

Naging kami. Sinagot ko sya nung grade ten na ko. Liniligawan nya ako noon. Naka-graduate na sya. Dun parin sya nag-aaral ng senior high school. We had mutual feelings for each other. Dati pa naman eh. Pero nang tumagal, nakita ko nalang ang sarili ko na brokenhearted at umiiyak, dahil sa kanya. Sabi nya pagod na daw sya. Ayaw na nya. Meron na syang nahanap na iba. At ang lalong nakakalungkot, iyon ay isa sa mga kinilala kong kaibigan, si Chelsea. Chelsea Lau. Oo, sya yung ka-grupo ko noon. Naging kaibigan ko sya dahil malapit sya kay Alvin. Hindi ko alam na dahil dun ay mas lalong napalapit sila sa isa't isa, nakipag-break sya sa akin at naging sila. Ang saya nya. Ang saya-saya ng p*tanging yun, pero ako? Umiiyak. Umiiyak ako dahil sa kanya. At dahil dun, nabago ako. Hindi na ako ang dating Princess. Ako na si Michelle.

"Prin— Michelle! Kain na tayo!" tawag sa akin ni Ashley.

"Oo. Sige."

"Michelle! Libre ko 'to." tawag naman ni Dyannth.

Kung hinahanap nyo si Brianna, wala. Nasa Singapore sya. Nandun din si Eric nya.

"Oo. Sige."

Di parin ako tumayo.

"Mich naman eh. Sige na. Kain na tayo." pagpilit sa akin ni Ashley.

"Kumain na kayo."

"Michelle. Di kami kakain pag wala ka." sabi naman ni Dyannth.

"Dyannth, Ashley, di naman ako nagugutom. Kumain na kayo."

"Sige Mich ha? Basta pagdadala ka namin ng pagkain dito."

Dito sa block na 'to ang next class namin. Pare-parehas lang kami ng course na kinuha, culinary arts. Di na ako naglunch kaya dumiretsyo na ako dito. Sinundan naman nila ako.

Natapos ang lunch at di ko tinanggap yung pagkain na binibigay nila.

Pumasok ang prof. Nagdiscuss sya ng mga boring lessons. Dahil sa sobrang boring, kumuha ako ng papel at nagdrawing nalang.

"Miss Ramos." tawag ng prof sa akin.

"What?" walang gana kong sagot.

"What is kdpsjabsioakodjeofpwn?"

Di ako nakinig sa tanong nya. "P*t*! Hindi ko alam!"

"Excuse me?!"

"Sabi ko, di ko alam!"

"Miss Ramos, out!"

Walang gana naman akong lumabas ng room. Like, anong klaseng parusa 'to? Grade school lang? Ganun?

Buti nalang at nasa pocket ko ang phone ko. Naglaro nalang ako ng games. Ano pa ba gagawin ko? Wait nga.

Tinago ko na phone ko at nagpunta nalang sa cafeteria. Naupo ako sa upuan. Syempre saan pa ba ako uupo? Kinuha ko ang earphones ko at kinabit sa phone ko at nakinig nalang ng music. Nilapag ko yun sa table.



*Yawn!*

Nagstretch ako. Napansin kong may lalaking naka-upo sa harap ko.

"Hey Princess."

"Don't call me that. At kilala ba kita?! At sino nagsabi sayong Princess pangalan ko?!"

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon