PRINCESS' POV
Today is Thursday which is may club kami sa Scouting. I'm a scout and dahil dati mag-bestfriends pa kami ni Ashley (dati), magkaparehas kami ng napili which is a coincidence. Bawal kasi kami magtanungan kaya ayun. Okay back to topic. Sa club may bago na kaming teacher or ewan ko kung ano ang tawag."Sige, ano ba pwede nyo laruin?" sabi ni Sir. Ang mga boys naglalaro na kasi.
"Ice ice water?" suggest ng isa sa aming club member. Pwede rin. Ang kasama ko ngayon ay si Cindy at ang iba pa namin classmates
"Sige."
Naglaro na kami ng ice ice water. 3 ang taya.
Magakakasama kami nila Cindy at kaklase ko sa pagtakbo. Syempre kasama na SYA doon.
"Ice!" narinig kong sabi ng taya
Nakita ko naman SYA na naka-ice. Eh ako ba naman ang pinakamalapit. Nagkataon pa talaga na ako?!
Nagdadalawang isip pa nga ako kung iwa-water ko pa sya o hindi. Nagmukha naman akong maarte. Namimili pa ng iwa-water. Kaya no choice.
Unti-unti kong linapit ang kamay ko sa kanya. Pagkahipo ko sa kanya ay umalis na tumakbo na siya.
"Ice!"
Nakuha ako! Naku! "Tubiiiig! Kailangan ko ng tubig!"
May panahon pa akong mag-joke. Corny pa ng joke.
Ewan ko ba kung ano pumasok sa isip ko at in-unICE SIYA eh. Move-on na ba ako? O hindi pa?
Ewan ko ba? Basta!
Ngayon sa larong ito naging parang bata na ako... Well, always naman.
Pagkatapos ng club ay dismissal na.
Naghantay kami sa tindahan malapit sa school namin.
10 minutes later... wala parin...
20 more minutes later... wala parin...
30 more minutes later or already 1 hour na kaming naghihintay dito na may mabigat na bag sa likod dahil malapit na ang periodic test.
"Dito muna kayo, ate." sabi nung nagtitinda dun sa kabilang tindahan. "Diba kayo ang kaservice ni Alvin? Dito kayo oh."
At dahil mahiyain kaming magkapatid ay hindi kami umupo.
Dumating na rin si Alvin. Narinig ko na kinausap siya nung nag-titinda. "Paupuin mo yung mga kaservice mo."
Si Alvin naman mukhang nahihiya na kausapin kami kaya hindi nya ginawa. Sayang! Makakausap ko na eh!
Nakarting na rin ang service namin pagkatapos dumating ni Alvin. WHAAAAAAAAAAT?! Si Alvin ang hinintay?
Habang pabalik na kami sa bahay ay inilabas ko ang libro ko na My Stupid Insensitive Crush. Hindi ko alam ang nangyari dahil nagbabasa ako. Bigla nalang prumeno at nahulog ako. Nakita ko nalang na nakahawak ako sa may bandang knees nya. At dahil madali lang ako kiligin ay tinakpan ko ang mukha ko ng libro. Hindi ko alam kung tumingin sya sa akin or hindi, dahil baka malaman na talaga nya. Buti nalang di ko sya yinakap.
Embarrassing! Sana hindi nya ako nakita!
Pagdating ko sa bahay agad kong tinanong sa kapatid ko. "James, tumingin ba sa akin si Alvin?"
"Oo."
"Di nga? Totoo?"
"Oo nga."
"Pag hindi yan totoo, humanda ka sa akin. Ano? Tumingin ba sa akin?"
"Oo nga! Ang kulit mo talaga!"
Dun ako lalong kinabahan at parang nahiya siguro? Ewan ko!
SUPER OBVIOUS NA TALAGA AKO!!! 😰😰😰
===========================
A/N: Okay, sure na ito. Next chapter na ang... Malalaman nyo nalang...Pero hindi po ako makaka-update ng next chapter ngayon... Maybe tomorrow?
Thanks sa support!
BINABASA MO ANG
Secret Admirer (EDITING)
Novela JuvenilSi Princess ay may crush sa iisang tao sa kanilang school. Crush na crush nya ito nang isang araw na isipan nya na mag-confess dito. Dahil sa medyo matagal na nga nya itong crush parang may nararamdaman syang kakaiba... parang LOVE? Napapaisip nga l...