SA- Chapter 54

43 2 0
                                        

ALVIN'S POV
I'm waiting for Princess and her surprised reaction.

Nandito ako sa Starbucks. I'm wearing this cool guy style para cool. You know para mas ma-in love sya sa akin. 😉😉😉

Kung ano man ang mangyari mamaya, corny na kung corny.

Hindi pa ito alam nila mama, papa, ate o kuya. Walang may alam dito. Kaya sigurado, pag nalaman nila, lalo na si mama ay sesermonan at magagalit ng grabe sa akin. Bata pa nga daw eh.

Princess:
Nand2 n me s Starbucks. Wer b u?

Tinignan ko muna ang suot ko.

Reply:
Naka white t-shirt ako with black leather jacket. And naka nike shoes. :)

Linibot ko ang mga mata ko sa buong lugar. Ayun sya oh. Gulat na gulat. Hindi makagalaw. Kumaway ako.

"Hi Princess! Sa wakas nagkita tayo muli!" pasigaw kong sabi. Bahala na kung magtinginan sila sa akin.

"A-Alvin? I-ikaw si Mr. SeCrEt?"

"Oo. Surprised?"

Walang syang sinabi. She's probably very surprised.

"I know you are. So let's just sit down here. Libre kita ng kung ano mang gusto mo."

(A/N: Super Feeler si Alvin... Pero kung alam mo na may crush ang isang tao sayo pero ang di mo alam ay hindi na pala, iyan ang nasa isip mo...)

"A-ano... W-wag nalang."

"Wag ka na mahiya. Oh," inabot ko sa kanya ang pera. "Libre ko kaya wag ka mahiya."

"H-hindi. A-ayos lang a-ako."

Napansin kong pa-utal-utal sya. Siguro kinikilig sya.

"Huy, ako lang ito."

"A-alam ko!"

"Eh bakit pa-utal-utal ka dyan?"

"Ah— Eh ano eh... Hindi naman a-ah..."

"Kahit magkunyari ka sa huli ay umutal ka parin."

"Hindi kaya! Hindi ako u-umuutal!"

I chuckled. "Eh ayan eh, umuutal ka na naman."

She giggled. "Hindi noh. Wala lang y-yun."

"Sige na. Umorder ka na."

"Osige na nga. S-salamat pala..."

"Ayos lang! Ako naman ang nag-imbita."

Ngumiti sya sa akin bago umalis para umorder ng kung ano man. Nung bumibili sya, nakita ko na kumuha pa sya ng pera sa pitaka nya kaya lumapit ako para bigyan pa sya.

"Ha? Bakit?"

"Kulang pa yan oh. Kaya kumukuha ka pa sa pitaka mo? Eto oh. Pandagdag."

"Eh, h-hindi na! Wag na." sabi nya. May binulong sya pagkatapos, "Nakakahiya naman..."

"Hindi. Keep it kung may sukli ka pa."

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon