SA- Chapter 47

40 3 0
                                        

ALVIN'S POV
Kumakain kami ng chips ni ate dito sa sala.

"Alvin, kamusta na daw si Princess? Ha?"

"Malay nya daw sayo ate."

Biglang bumukas ang pinto. "KUYA!"

Nakita namin papasok si kuya. Pasko ngayon eh kaya nandito sa bahay.

"Musta na kayo?" tanong ni kuya.

"Ayos naman kuya. Ikaw?" tanong naman ni ate.

"Ayos lang din. Si Alvin. Ano balita?"

"May liniligawan." sagot naman ni ate— wait what?!

"Uy, bata ka pa ha. Di porket highschool ka na pwede ka na nyan."

"Di naman kasi kuya eh. Imbento lang yun ni ate."

"Anong imbento? Ka-text mo pa nga at wallpaper mo pa— Don't tell me... GF MO NA SYA?!"

"HINDI NOH!" malakas kong sigaw. Bumulong nalang ako kay kuya. "Nababaliw na si ate..."

He chuckled. "Matagal na."

"Hoy! Sinong pinag-uusapan nyo? Girlfriend ni Alvin? Sali naman ako."

"Baliw ka daw sabi ni Alvin." -kuya

"Matagal na daw sabi ni kuya." -ako

We both chuckled. "Boys..." umirap sya.

"Oh, so I guess nakita nyo na ang kuya nyo. Alfonso, kain ka na oh."

"Ma, wag Alfonso. Jeric nalang."

"Edi naiiba ka sa mga kapatid mo? Alvin, Alex at Jeric? Better kung Alfonso."

"Tanggapin mo nalang yung pangmatanda mong pangalan kuya." she giggled.

"Tanggapin mo nalang din yung panglalaki mong pangalan."

"Di naman yun panglalaki ah..."

"Kaya pala sabi ng crush mo: panglalaki ang pangalan na Alex. Di bagay kay Alex Acosta. Hahahahaha." -kuya

"Ha-ha-ha. Very funny." she said sarcastically. Oh diba? Magaling na ako sa mga English. Syempre para saan pa ba? "Kung di bagay ang pangalan ko, maganda naman ako."

"Kaya pala binusted ka ng crush mo."

Good one kuya!

"Tama na yan. Mag-aaway na naman kayo. Paskong pasko eh..." tumingin si mama sa akin. "Baka dahil sa inyo walang girlfriend ang bunso ko."

"Uyyy... May naaalala sya..." ate teased.

"Stop it!"

"Uy, bata pa yang bunso ko." -mama

"Ma... Namumula sya eh!" -ate

ANO?! Namumula ako?! As in blushing?!

"Oo nga noh." -kuya

"Wag nyo asarin. Bata pa yan. Kayo talaga! Inaasar ang bunso ko."

"MAAAA!!!" I shouted. Nakakahiya kaya na tinatawag ni mama na 'bunso ko' eh highschool na ako. "Stop calling me 'bunso' and 'bata' because I'm not like before, that lets you call me that."

"Wow naman! Pa-english English na anak ko... Matalino at gwapo. Katulad ng ate at kuya! Pero nga lang, bakit hindi ka nakasama sa star section?"

"I don't— nothing ma..."

"Okay. Sige, kain na tayo ng noche buena."

Nakita ko ang hamon, queso de bola, at ang lechon!

"Ang sarap ma!" sabi ni ate.

"The best ma!" sabi naman ni kuya.

"Pinakamasarap talaga ang luto ni mama."

"Kayo talaga mga bata, wag nyo nga ako bolahin. Kain lang..."
==========================
So this is Alvin's family! So what do you think of them? Yeah, wala ang papa nila but mamaya yata dadating rin. Haha.

Comment and vote if you liked it. Comment suggestions para I can make it better. Sorry nga pala kung may wrong grammar, wrong spellings and stuff.

Love you guys! Thank you po! 😄😄😄

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon