KABANATA 29

418 27 5
                                    

SEREEN P.O.V

Nandito kami ngayun sa Mall ni El at Mia. Kasalukuyang kaming namimili ng isusuot niya para sa magiging laban niya sa friday.

"Bakit kasi kailangan pang bumili?Marami ka namang dress ate na pwedeng kong isuot!"

"This is your second time na sasali sa ganito kaya mas magandang paghandaan at bago ang isusuot mo"Saad ko habang tinitingnan ang paligid

"Tama ang ate mo El.Hindi ka pwedeng magmukhang basahan sa stage.Sayo nakasalalay ang pangalan ng building natin alalahanin mo"

"Tsk!Para namang ikamamatay ko kapag natalo ako!"

"Hoy babae!Pang hatak ng grades mo yun!Baka nakakalimutan mong mababa ang grades mo this sem dahil sa pagkaka suspend mo"

"Tsk!Ikaw nalang kaya Mia ang lumaban?Mas apektado kapa sa grades ko kesa sakin"

"Of course kapag bumagsak ka wala nakong kasama"Mataray na saad ni Mia

"As if namang babagsak ako!"

Habang abala sila sa pag uusap ay tumingin tingin ako sa paligid.Halos magkakamukha ang design ng mga gown.Mahihirapan akong mamimili.

"May color coding ang kulay ng isusuot diba?"Tanong ko kay El

"Oo,violet ang napunta sa building namin"

Ang bawat course kasi ay binigyan ng kanya kanyang code at yun ang tinatawag na color coding.Kung ano ang nabunot na kulay ay siyang isusuot ng buong klase kagaya nalang ng kila El,kulay violet ang napunta sa kanila means kulay violet ang dapat isuot nila.

"Siya nga pala ate sinong lalaban sa inyo?"

"Si Xandrex at Kallie"

"Yung maarteng Kallie nayun?"Biglang saad ni Mia

"Hmm"

"Tsk!Kung makatingin ang babaeng yun akala mo kung sino!"Saad ni El

"Ganun lang talaga yun pero mabait yun"

"Mabait!Nakita nga naming inirapan ka habang nakatalikod ka"Nakataas ang isang kilay na saad muli ni El

'Sa totoo lang ay hindi ko talaga kasundo si Kallie,hindi ko alam pero parang pakiramdam ko may galit siya sakin kahit hindi ko naman siya inaano'

"Palairap lang talaga yun"Nakangiti kong saad.Nalingunan ko ang isang gown na nasa gilid kung saan nakuha nito ang atensyon ko.
"Diyan muna kayo may titignan lang ako"Mabilis ko iyong nilapitan at pinagmasdan.
"Ang ganda"Mahinang anas ko

'Napaka simple ng design pero ang ganda ng pagkakayari.Violet ang kulay na pinartneran ng kulay white habang ang likod naman nito ay lantarang kita at mayroon din itong design na nababagay sa pagkaka combine ng mga kulay."

"Goodmorning Ma'am.Mukhang type po ninyo ang isang iyan"Nakangiting saad ng sales lady

"Hmm,tama po kayo nakuha nito ang atensyon ko.

"Good choice Ma'am.Ang gown pong iyan ay kalalabas lamang."Napangiti ako ng marinig ko iyon.
"Sa tingin ko po ay kasyang kasya sa iyo ang gown na iyan"Nakangiting saad nito

My Extraordinary WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon