ELEEN P.O.V
Halos mangatog na ang dalawang tuhod ko sa sobrang kaba ng marinig ko na malapit na ako.Nagpapalakad lakad na ako para mabawasan ang kaba ko.Halos hindi ko na inisip ang suot ko.
"Relax El!Baka ma-mental block ka sa ginagawa mo"Saad ni Zanjo
"Hindi ko mapigilan!Kinakabahan talaga ako!"
"Wag kang lakad ng lakad,alalahanin mo naka mini skirt ka"Natatawang anas nito
"You don't need to worry about your looks,your sexy believe me""Stop calling me sexy!"
"But you really are"
"You know what sexy means?!It's some--",Hindi ko pa naitutuloy ang sasabihin ko ay natatawa siyang sumabat
"Fine,your clothes suits you"Natatawang anas nito
Isa pa itong suot ko!Napakahigsi ng paldang suot ko at ang chef uniform ko naman ay kinalahati at kitang kita ang pusod.Naguumpisa palang ito!Marami pa akong isusuot.
"Pangalawang pagkakataon mo pa nga lang palang sumali sa ganitong events.Here take this"Atsaka nito iniabot sa akin ang isang maliit na plastic na may lamang marshmallow
"Read the notes at the back"Atsaka ako nito kinindatan'You can do this!'
Medyo nawala ang kaba ko at napangiti sa nabasa ko.
"Thank you"
"You owe me a date"Natatawang saad nito.Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa muli nito
"Just kidding,You know..I have a girlfriend""Thank you again for this"Itinaas ko ang bigay niya atsaka iyon binuksan at kinain
'You can do this El!Dad,kuya's and ate are watching!'
"The next candidates are from HRM building!Wearing their uniform with unique style.Let's give them a round of applause"Masiglang anas ng Emcee
'This is it!'
"Goodluck sa atin"Nakangiting anas ni Zanjo atsaka naghanda sa pagrampa
Biglang naghiwalay ang kurtina na nagsisilbing takip sa stage at bumungad kami sa napakaraming studyanteng nanunuod.Bigla muli akong kinabahan.Saglit na dumapo ang paningin ko sa gawi nila Ate at agad na napawi ang kaba ko sa nakita ko.Isang napakalaking banner na may nakasulat na "You can do this!We're here to support you".Si Van mismo ang may taban niyon at deretsang nakatingin sa akin
"Galingan natin"Mahinang anas ni Zanjo atsaka ito tumango hudyat upang magsimula na kaming rumampa sa stage.Tumango ako bilang pag sang ayon.
'1,2,3 Fight!'
Taas noo akong naglakad patungo sa gitna ng stage atsaka ngumiti.Naghiwalay kami ni Zanjo at tumungo sa gilid ng stage at duon ay nagpose kami,matapos niyon ay muli kaming nagkita sa gitna at huminto duon.
"Goodmorning everyone my name is Vrandie Eleen Fuentes 19 years of age"Nagbigay ako ng espasyo kay Zanjo upang siya naman ang magsalita." and my name is Zanjo Ferrero 19 years of age 1st year and we represent the HRM building."Malakas na sigaw namin ni Zanjo.Ang lahat ay nagsipag hiyawan ang iba naman ay kumukuha ng litrato.
"They enjoyed the view of yours"Palihim na saad ni Zanjo atsaka natatawang iiling iling
Napatingin ako kay Van at tila siya pa ang kauna unahang himihiyaw sa pangalan ko.Ganun din sila Dad at kuya.Agad akong napangiti.Tumalikod na muli kami at tumungo sa backstage.
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Wife
Romance[COMPLETED] Paano kung ang tahimik mong pamumuhay ay biglang gumulo dahil sa isang bata? At ang batang iyon ay ang magiging asawa mo? Paano kung ang batang inaakala mong normal ay lumalaki pala sa bawat araw na nagdaraan? Si Xydos del Vin ay isang...