*CONTINUATION*"Para kang isang action star ng tumalon ka sa Veranda niyo" Natatawang saad ni Cahel habang umaakyat ako sa gate. "Ngayun naman para kang gagamba kung makakapit sa gate niyo" Natatawang saad nito habang nakatingin sa akin. Tinanguan ko si Drick ng magkatinginan kami
"Tara na, baka makita tayo ni Dad" Tumango lang sila at pumasok na ng kotse. Sa backseat ako umupo at dalawa silang nasa front seat. Si Drick ang nag da-drive. Tiningnan ko ang kwarto ko mula sa second floor bago umandar ang makina ng kotse.
"Saan tayo pupunta?" Baling ko sa kanilang dalawa. Alas 7 nadin kasi ng gabi, medyo nakakaramdam na din ako ng pagka gutom dahil hindi pa ako kumakain ng hapunan"Guess where?" Sinipat ko ang mukha ni Cahel, alam ko ang ibig sabihin ng pagkaka ngisi niya
"Hindi ako nakapag dala ng damit ko"
"Problema ba iyon?, I can lend you mine" Habang naka tingin ito sa rearview mirror at nakikipag usap sa akin. Pupunta kami sa Resort nila Drick. Dalawang beses yata sa isang linggo ang nagiging dalaw namin sa resort nila Drick dahil sa mga babaeng nag o-overnight. Sumasama lang ako dahil naiinip ako sa bahay at para bang nasasakal ako.
"Alam mo bang ni-rent iyon ng mga Senior High students. At puro girls athlete lang ang nanduon. " Napailing nalang ako sa sinabi niya. Kapag talaga babae ang usapan napakabilis niya. Hindi ko alam kung paano niya napag sa-sabay sabay ang mga iyon.
"Drick, may telescope kayo diba?" Tumango lang si Drick " Duon nalang tayo sa Hotel niyo, mas maganda ang tanawin kapag nakatutok lang sa isang bagay ang mata natin" Natatawang saad nito. Iiling iling nalang ako. Ano ba ang napapala sa mga babae. Wala namang kainteres interesado sa kanila"We're here" Ipinark niya iyon sa ilalim ng puno. "Wala dito ang parents ko kaya welcome na welcome kayo dito" sabay kaming lumabas ni Cahel at kasunod ay si Drick
"Let's go""Good evening Sir, nalibot po kayo"
"Dito kami matutulog "
"Sige po sir, marami pa naman pong bakanteng kwarto" Tumango lang ito at nag deretso na papuntang hotel. Malapit sa swimming pool ang kwartong tutulugan namin kaya kitang kita ang mga maliligo kahit na walang gamit na telescope.
"Sino gusto ng laro?" Nakangising saad ni Cahel habang nakahiga sa kama
"It's a bet game?""What kind of game? I don't like lame games Cal" Kibit balikat na saad ni Drick
"Well, the one who can get the number of your guest first will be the winner"
"As easy as that?"
Tumango lang si Cahel
"And what the consequences of losing? "
Ngumisi si Cahel
"Go to Hotel with a girl"
"CALL! But not here"
Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa. Ang hilig nila sa babae para bang aliw na aliw sila tuwing napapasagot nila ang mga babae. Wala pa silang nagiging seryosong relasyon. Masasabi kong magpinsan nga sila
"Ano game ka Xy?" Atsaka ito bumaling sa akin
"Don't ask him Drick. We all knew that he's a womanhater" Natatawang saad nito
Hindi naman sa ayoko sa babae. Pakiramdam ko kasi kapag nagkaroon ako ng girlfriend babawalan ako nito sa lahat ng bagay kagaya ni Dad. I hate someone controlling me.
"Woah, may maliligio na. Dricks nasan na yung telescope? Titingnan ko kung anong kulay ng underwear nila"
"Kunin ko lang sa office ni Dad"
"Pagkain nga pala, hindi pa ako kumakain"
Naalala ko, hindi pa din pala ako kumakain
"Kumain kana ba Xy?" Umiling lang ako"Sumama na kayong bumababa. May pagkain sa resto panigurado" Anya nito at naglakad palabas. Tumayo ako mula sa sofa at sumunod sa kaniya ganun din ang ginawa ni Cahel. Nakalimutan kong Hotel and Restaurant nga pala ito. Huminto kami sa tapat ng isang lamesang gawa sa kahoy. Round ang upuan na nakapaligid sa lamesa at naka pwesto ito sa ilalim ng malagong puno.
"Hintayin niyo ako dito" Tumango lang kami. Maya maya ay dumating si Drick. May hawak pa itong beer "Wala naman dito sa Daddy kaya walang magagalit" Nakangising saad nito atsaka iyon inilapag sa lamesa. "Kumain na muna tayo. Kukuha nalang ulit ako sa loob ng beer kapag naubos natin ito" Tumango lang ulit kami. Dumating ang staff nila na may bitbit na mga pagkain"Sir kung may kailangan po kayo punta lang po kayo sa dining hall"
"Salamat"
Nagsimula na kaming kumain.
"A-Anong!" Napatingin kami kay Cahel ng magsalita ito habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. "Nandito din si Coleen" Hindi makapaniwalang saad nito atsaka uminom ng beer. Nakaka ilang bote na kami. Medyo nahihilo na din ako. "Mukhang pinagbibigyan ako ng tadhana" Nakangising saad nito "Maraming room na available diba?" Tumango lang si Drick ng magtanong ito
"Susunduin ko lang siya pool"Napapailing nalang ako. Mukhang matutuloy ang binyag ni Totoy ngayun.
"Ikaw anong balak mo?" Napatingin ako kay Drick
"Matutulog" Kibit balikat na saad ko atsaka tinungga ang alak
"How boring Xy" Natatawang saad nito atsaka ipinapatuloy ang pagtungga niya sa bote. Ilang miinuto na ang lumilipas pero hindi padin bumabalik si Cahel. Nahihilo na din ako
"Mauuna ako Drick" Medyo nagiging blury nadin ang paningin ko
"Kaya mo pa bang tumayo?" Tumango lang ako
"Hihintayin ko na muna si Cal dito. Maraming kwartong available kaya matulog ka kahit saan mo gusto" Natatawang anya nito. Tumango lang ako at nagsimula na ding maglakad. Iba ang naging tama sa akin ng alak ngayun. Mukhang kailangan na akong i-seminar para lumakas ulit tolerance ko sa alak. Nakakapit lang ako sa railings habang papaakyat. Nasa second floor kasi ang pinanggalin namin kanina. Parang gusto ko ng iduwal ang kinain ko kanina. Umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na kakayaning bumalik sa kwartong pinanggalingan namin kanina. Napatingin ako sa kamay ko ng mahawakan ko ang doorknob ng pintuan. Marahan ko iyong pinihit.
'Bukas'
Hindi na ako nagdalawang isip at deretso pasok na ako sa loob. Kinapa ko ang switch ng ilaw pero wala akong makapa sa pader. Dahan dahan akong naglakad papasok at isinara ang pintuan, nangangapa lang ako hanggang sa mahawakan ko ang kama. Humiga na ako duon, wala ng ibang tumatakbo sa isip ko kung hindi ang makatulog.
A/N: I'll try my very best to update often. To all whom already done reading it. Re-read it again. There's a lot of changes in every chapters.
Yown lang tenkis:>
Enjoy reading:>
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Wife
Romance[COMPLETED] Paano kung ang tahimik mong pamumuhay ay biglang gumulo dahil sa isang bata? At ang batang iyon ay ang magiging asawa mo? Paano kung ang batang inaakala mong normal ay lumalaki pala sa bawat araw na nagdaraan? Si Xydos del Vin ay isang...