KABANATA 3

1.1K 76 4
                                    

KINABUKASAN

Pakiramdam ko ay may nakadagan sa hita ko dahil nangangalay iyon. Unti unti ay iminulat ko ang mga mata ko. Saglit akong pumikit at dumilit muli. Hindi ako namamalikmata

"A-Anong! "

Nanlalaki ang mata ko ng magkatinginan kami

"Susmaryosep aba ginoong lintek!"

Nalaglag pa ako sa kama ng umatras ako

'Napakamalas ko naman! '

"LUMABAS KA! " galit na galit na saad nito

Tang Ina! Sa dami dami ng pwede kong makatabi bakit naman matanda pa!

"LABAS! "

Hinihilot ko ang balakang ko ng maglakad ako. Saktong pagka bukas ng pintuan ay tumambad sa harap ko ang isang babaeng nakasalamin. Tila ba nakakita ito ng multo. Hindi ito gumagalaw at nakatingin lang sa akin

"Tabe!" Inis na saad ko. Tang ina ang sakit ng ulo ko

Gumilid ito ng magsalita ako. Saglit ako nitong tiningnan at tumingin sa loob

"Anong pangalan mo! " Tiningnan ko lang ang matandang iyon at nagderetso na sa pag alis
"Bastos kang bata ka! I-re-report kita! " Napapailing nalang ako. Hindi ko alam na may tao pala sa kwartong iyon!

"XY! Hanap kami ng hanap sayo kagabi!. Sa ang room ka ba natulog?" Napatingin ako kay Drick at Cahel ng lapitan nila ako

"Malas! Nakatabi ko sa kwarto ang isang matandang babae" Napapailing na saad ko. Nagkatinginan silang dalawa at muling tumingin sa akin

"Paano nangyari iyon? " Kunot noong tanong ni Drick " May lock ang bawat pinto ng hotel na ito. Paano ka nakapasok?"

"Bukas ang pinto ng isang kwarto kaya pumasok na ako. Hindi ko naman alam na may tao dahil ang dilim. Lasing ako kagabi kaya nahiga nalang kaagad ako" inis na saad ko habang hinihilot hilot ko ang noo ko. Muli ay nagkatinginan sila. Saglit silang tumahimik , maya maya nagtawanan silang dalawa.

"Baka yung Principal pa nila ang nakatabi mo" Hindi sila maawat sa katatawa

"Wala akong pakielam kahit principal pa siya! Hindi ko din naman kagustuhan na makatabi ang isang matandang katulad niya" inis na saad ko at nagsimula ng maglakad

"Inunahan mo pa sigurong akong binyagan ang totoy mo" At muli nanaman silang nagtawanan "Baka mabuntis mo yun yari ka" Seryoso ang pagkakasabi ni Drick

"G*g*! Wala akong ginawa sa matandang iyon! Ni wala nga akong maalalang hinawakan ko siya! " Para bang kinilabutan ako ng maisip ko ang sitwasyon namin kagabi

"CAL! " Napatingin kami sa babaeng papalapit

"Coleen"

"Aalis na kami, galit na galit yung Principal namin at may tumabi daw na lalaki sa kaniya. Pinapahanap niya yung lalaki at ide-demanda niya daw" Saad nito. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita ito. Nadagdagan ang inis ko ng magtawanan muli sila
"B-Bakit? "

"Wala, gusto mo bang sumabay nalang sa amin? Uuwi na din kami" Umiling lang ito

"May dadaanan pa kami after nito"

"By the way this is Drick my cousin and ahmm" Natigilan si Cahel at tila pinipigilang tumawa

"Leen" May tumawag dito

"Ah tinatawag na ako, text nalang kita kapag naka uwi na ako" Ngumiti ito sa amin "Nice to meet you" Yumuko ito at dali daling umalis

"Balak mo talaga akong ilaglag e noh?" Inismiran ko siya at naunang maglakad. Narinig ko ang naging tawanan nilang dalawa. Napailing nalang. Bakit ba naging kaibigan ko ang dalawang ito. Muntik pa akong masubsob ng bigla nila akong akbayan

"Masarap ba yung naramdaman mo kagabi?"

"G*g*"

Nagtawanan lang silang dalawa

"May bagong bukas na Bar malapit lang dito, tara?" Huminto ako saglit

"Pass ako"

"Sunday ngayun, wala ka namang gagawin sa inyo"

"Death anniversary ni Mama ngayun"

Tama ngayun ang araw ng kamatayan ni Mommy. Ang araw na ako mismo ang naging dahilan ng pagkamatay niya

"I forgot" Nanlalaki ang matang anas ni Drick

"Mauna na akong umuwi sa inyong dalawa. Dadalawin ko pa si Mommy sa Cemetery"

"Uuwi nadin kami, sabay sabay na tayo. Hindi pwedeng kami lang ni Cahel ang papasok sa Bar na iyon " Napapailing na saad nito. Napangiti nalang ako. Sila yung kaibigan na puno ng kalokohan pero hindi ka iiwan. Matapos nilang iayos ang gamit nila ay umalis na kami. Bago kami umuwi ay sinabi ng stuff nila Drick na tinatanong daw ng Principal ang lahat ng taong nasa Hotel. Mabuti nalang at bagong pasok palang ang pinagtanungan nito. Hindi nito alam ang pangalan ko

"Dito nalang ako" Ipinahinto ko iyon sa tapat ng Bus station

"Hindi ka ba muna uuwi sa inyo?" Tanong nilang dalawa. Umiling lang ako. Gusto ko munang dumeretso kay Mommy bago umuwi. Paniguradong sandamakmak na sermon nanaman ang aabutin ko kapag umuwi ako
"Hatid ka na namin sa Cemetery" Muli ay umiling lang ako. Magsasalita na sana ako ng biglang magring ang cellphone niya

"Yes hello Pa?...Po?...Wala naman po....Hindi po....Opo" Nakatingin lang kami ni Cahel sa kaniya hanggang sa ibaba niya ang cellphone niya "May problema tayo" Seryoso ang tono ng boses niya "Tumawag sa akin si Dad, iyong tungkol sa Principal" Napabuntong hininga nalang ako. " Guest pala ni Dad ang Principal na iyon... at balak daw kasuhan ang pumasok sa kwarto niya"

"A-Ano? HIndi naman siya maganda para magfile ng kaso. Isa pa ang tanda tanda na niya"

"Ayos naman na, kaya lang...."

"Kaya lang?"

"Yari ako kay Papa" Natatawang saad nito habang napapailing pa

"Pasensya na Drick"

"Hindi ako tumatanggap ng pasensya....May utang ka sakin" Nakangisi nitong saad

"Salamat" Tinanguan ko silang dalawa bago ako lumabas ng kotse "I owe you one"

Bumusina muna ito bago umalis. Dumating ang Bus mga ilang minuto lang ang lumipas


"Kamusta ka na Ma" Nakangiting saad ko "It's been 2 years Ma" Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang puntod niya "I'm sorry hindi manlang ako nakapagdala ng bulakak o kahit ano manlang." Napangiti nalang ako ng mapait. "Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula Ma, hanggang ngayun sinisisi ko padin ang sarili ko sa pagkamatay mo."

'Bakit kasi hindi nalang ako, bakit kailangan ikaw pa?'

"Hindi mo dapat sinasabi sa isang taong pumanaw na ang mga ganiyang salita" Napatingin ako sa nagsalita. Tiningnan ko ang malaking tiyan nito at muling tiningnan ang kaniyang mukha. Sa itsura niya ay para bang same age lang kami. Ang bata namang nag asawa ng babaeng ito.

"Excuse me?" Kunot noong saad ko

"Hindi ka naman daraan" Natatawang saad nito "You know she/he can hear you. Nasa langit na ang tao pinag aalala mo pa" Napapailing pang saad nito. Sino ba ang babaeng ito? "Asawa ko nga pala" Atsaka nito itinuro ang lapidang nasa harapan niya"He died a months ago" Nakangiti nitong saad

'Like I care?'

Tumayo ako at tangkang aalis

"Please take good care of my child" Kunot noo ko itong tiningnan ngunit ang paningin nito ay hindi na nakatuon sa akin

'May sayad na yata sa utak ang babaeng ito'

Naglakad nalang ako paalis.

Enjoy Reading:>

My Extraordinary WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon