SEREEN P.O.V
"S-Sino kayo?"Kinakabahan kong tanong ng maramdaman kong pumasok kami sa isang sasakyan.
'Hindi ko sila makita dahil nilagyan nila ako ng blind bold'
"Hindi mo na kailangan pang malaman Bata!.Erick!Bilisan mo!"
'Babe?Where are you?Help me!Natatakot na ako.Naramdaman ko nalang na nahilo ako ng may kung ano silang ini-spray'
"Tskk!Sleep tight Bata"Rinig ko pang saad ng isang lalaki bago ako mawalan ng malay.
"Dante!Ano na!" Nagising ako dahil sa lakas ng boses ng lalaki unti unti ay iminulat ko ang mga mata ko.Ganun na lamang ang pagkabigla ko sa nakita ko
'Akala ko nananaginip lang akong may kumuha sa akin'
Kasalukuyan akong nakaupo habang nakatali ang dalawang kamay at paa ko.Nilagyan din nila tape ang bibig ko.Tumingin ako sa paligid,at hindi sinasadyang napatingin ako sa bintana.May kadiliman na sa labas at nasisiguro kong hapon na.Muli ay tumingin ako sa mga taong nasa loob at natitiyak kong lima silang nakapaligid sa akin.Nakakatakot dahil medyo may kalumaan na ang kwarto at puro sirang mga gamit ang nasa paligid.
"Gising na sya!Ayan itanong mo sa bata!"Napatingin naman ako sa dalawang taong nagtatalo sa harap ko.
"Anong password ng cellphone mo bata?"
P-Paano ko masasagot ang tanong nya kung mayroong tapal ang bibig ko?!yumuko nalang ako pero nagulat ako ng biglang may humawak sa panga ko at sapilitang itinaas iyon
"Ang ayoko sa lahat bata ay yung kinakausap tapos hindi sumasagot!"Ramdam ko ang hapdi ng hinigpitan nito ang panga ko
"Ano ang password ng cellphone mo?!"Galit na saad nitoGusto ko ng maiyak.Nakakatakot sila.
"Ano hindi ka magsasalita?!"Mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa panga ko
"Sandali Ben,paano ngang magsasalita ang batang iyan!Mayroong tape ang kanyang bibig!"Saad ng lalaking kapapasok lang.
Hindi nya siguro napansin ang tape na nasa bibig ko dahil pangkaraniwang tape lang ginamit nila
"Tang ina!"Mahinang bulong nito
"A-Anong password?"Napapahiyang tanong nito atsaka dahan dahang inalis ang tape na nakadikit sa bibig ko"B-Babe,B-Babe po ang p-password"Mangiyak ngiyak kong saad
'Babe?'
"Tiba tiba tayo sa batang ito!Mayamang talaga!.Naku!Mukhang may boyprend na ang batang ito!"Tumatawang saad ng mga ito habang pinapakielaman ang cellphone ko.Tinignan ko naman ang lalaking nagsalita kanina na kasalukuyang naka upo at may kung anong ginagawa.
"A-Anong pong gagawin nyo sa a-akin?"Kinakabahan kong tanong
"Wala kaming gagawin sa iyo kung ayos makipag areglo ang mahal mo sa buhay, ngayun kung hindi naman ano pang pakinabang namin sayo!Bukod sa gagawin ka naming parausan ay papatayin ka nalang namin!"
Halos mahigit ko ang hininga ko ng sabihin iyon nung isang lalaki at pigil na pigil ko ang luhang gusto ng pumatak kanina pa.
"Tulong!Tulungan nyo po ako!"Humiyaw na ako ng pagkalakas lakas nagbabakasakaling baka may makarinig
"Naku bata!Sasayangin mo lamang ang laway mo sa paghiyaw dahil walang makakarinig sayo dito"
Konting konti nalang bibigay na ang luha ko.Kanina lang ay magkasam pa kami ni Xy.
"Oscar,dalin mo sa isang kwarto iyan.Kalasan mo ng tali at duon pakainin"
Agad akong napatingin sa lalaking tumayo.Siya yung lalaking kapapasok lang kanina kanina.Dahan dahan itong lumapit sa akin at kinalas ang tali sa katawan ko ngunit hindi ang sa kamay at paa.
"Parang awa nyo na,pakawalan nyo na ako?"Tinignan lang ako nito atsaka nagsalita
"Bubuhatin kita"Mahinang anas nito atsaka dahan dahan akong binuhat.
"Please let me go"Umaasa akong baka sakaling maawa sa akin ang lalaking ito dahil nararamdaman kong hindi sya kagaya ng mga kasamahan nya.Hindi ako nito pinansin hanggang sa marating namin ang kwartong tinutukoy ng kasama nito.Inilapag ako nito sa isang matigas na kama at dahan dahang lumayo
Nakakatakot!May kadiliman ang buong kwarto.
"Kukuha lang ako ng makakain mo"
Magsasalita pa sana akong bigla itong tumalikod at walang pasintabing umalis.
'I hate darkness!Babe please save me'
Ilang saglit pa ay pumasok muli ito sa kwarto at may bitbit na pagkain.
"Kumain ka na"
'Paano ako makakain sa lagay kong ito!Nagugutom na rin ako.Hindi pa ako kumakain ng tanghalian'
"Paano ako makakain nakatali ang kamay ko!"Parang napapahiya naman itong tumayo at kinalas ang tali sa kamay ko
"Kumain ka na"
Hindi na ako mag iinarte pa nagugutom na talaga ko.Agad kong nilantakan ang pagkaing nakahain.Nakita ko sa peripheral view ko ang palihim na pagngiti nito.Agad ko naman syang tinignan at bigla nyang inalis ang pagkakangiti nya.
"P-Para saan at kinidnap nyo'ko"Saad ko habang kumakain.
Magaan ang pakiramdam ko sa kanya hindi ko alam kung bakit.
"Kidnapped for ransom"Maikling tugon nito.
Kidnapped for ransom?
"B-Bakit?"Hindi ko maiwasang tanong
"Anong bakit?"Seryosong saad nito
"Bakit,i-ito ang napili mong g-gawin?".Tinignan lang ako nito
"Kung gusto mong mabuhay,sundin mo lang kung ano ang iniuutos nila"Saad nito atsaka tumayo at lumabas na ng room
'Magisa nalang ako rito.'
Unti unting sumisikip ang dibdib ko at hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako.
'Babe,alam kong gagawa ka ng paraan para matagpuan ako'
Halos ilang minuto akong umiiyak at ramdam ko na ang paghapdi ng mata ko.Dahan dahan ay ipinikit ko ang mata ko na dahilan ng unti unting kong pagtulog.
[KINABUKASAN]
"Ano!Nasaan na ang batang kinuha natin?.Bakit nagka ganyan!"Naririnig ko ang mga pagtatalo ng mga ito na syang dahilan ng pagkagising ko.
"Iyan ang bata na iyon!Kita mo ang suot!"
Agad akong kinabahan sa usapan nilang iyon at napatingin sa sarili ko.Ang kahapong hanggang tuhod na skirt ay hanggang gitna nalang ng hita ko.Agad akong napapikit ng tumingin sa akin ang isa sa mga ito.
'Lumaki nanaman ako!'
"Paano nangyari iyon!Kahapon ay medyo bata pa iyan!"
"Hindi ko alam!,Baka may hiwaga ang bata na iyan!"
"Kung may hiwaga man ang batang iyan ay mas lalo nating siyang mapapakinabangan.Tawagan mo muli ang contact nyang bata na iyan.Magbabago ang plano natin"
Lalong akong kinabahan sa sinabing iyon ng lalaki.
COMMENT/VOTE/SPREAD IS A HIGHLY APPRECIATED:)
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Wife
Romance[COMPLETED] Paano kung ang tahimik mong pamumuhay ay biglang gumulo dahil sa isang bata? At ang batang iyon ay ang magiging asawa mo? Paano kung ang batang inaakala mong normal ay lumalaki pala sa bawat araw na nagdaraan? Si Xydos del Vin ay isang...