Chapter 2

52 4 2
                                    

Oliver



Trigger Warning: self-harm

Late na akong nakahabol sa club na pinag-iinuman nila Kiko. Hindi ko naman kasi maiwan 'yung babae sa police station at ando'n pa ang blockmate ni Kiko. Baka gumanti dahil hindi siya pinatawad. Good thing hindi naman nangyari 'yon dahil hindi umalis sa loob 'yung lalaki.



Umalis lang ako doon nang makita ko siyang sumakay na ng kotse. Binilisan ko na pumunta sa club dahil baka wala na naman akong maabutan doon. Pagkarating ko ay nakita ko na ang mga blockmates ni Kiko sa labas. Buhat ng iba ang mga lasing papunta sa kotse nila.



I went inside the club just to be welcomed by people whose dancing wildly. Medyo nahihilo pa ako sa mga ilaw na at amoy ng alak, hindi ko talaga 'yon gusto. Dahan-dahan akong naglakad dahil baka may mabangga ako.



"Oliver!"



I saw Kiko with Adrianne and his other blockmated na patuloy pa rin sa pag-inom.. or hindi lang nila talaga kayang umalis sa couch nila sa sobrang kalasingan. Kiko waved at me, lasing na. He stood up from the couch and walked towards me.



"Late ka!" Ngumuso siya, nagtatampo kunyari. "Tinakasan mo lahat ng shots mo, madaya ka. Very unprofessilnal." He even crossed his arms together and shook his head, looking so disappointed at me.



"Oli, uwi na tayo," Adrianne suddenly appeared beside me. He put all his weight on me, buti nalang hindi ako na-out of balance. "Feeling ko susuka ako--"



Agad kong tinakpan ang bibig ni Adri pagkasabi palang niya 'yon. Jusko, baka magkalat pa siya dito, nakakahiya. I guided him to the couch para ihiga muna siya doon. Then, I looked around the couch para makita kung may hindi lasing dito.



"Excuse me," I tried to call a guy. Pero hindi niya ako narinig dahil ang lakas ng music. I sighed before looking again at the guy. "Excuse me! Can you still drive?" I shouted.



"Huh?" He furrowed his eyebrow, pointing at himself lowkey asking me if I was talking to him. Tumango lang ako bilang sagot. "Ah, oo! Bakit?"



"I can't drive this two,"  I looked at my friends. Napamasahe nalang ako sa sentido ko dahil sa itsura nila.



"Ah.. don't worry pare, ako na bahala sa mga 'yan." Inalalayan na muna niya 'yung ibang mga kaibigan niya. Ako naman ang umalalay kay Adri at Kiko.



"Oliver.." Napatingin ako kay Kiko nang tawagin niya ako. Sasara ko na dapat 'yung pinto ng back seat kaso nakita ko siyang parang lumuha ng unti. Nag-alala tuloy ako sa kanya.



"Anong problema?" I asked.



"Miss ko na siya.." At umiyak na siya nang sabihin 'yon. Hindi ko alam kung dulot lang ng alak kaya siya gan'yan o baka hanggang ngayon hindi niya pa rin matanggap? "Nag-promise siya sa'kin eh."



Mag-sasalita na sana ako para i-comfort siya. Pero biglang bumangon si Adrianne na nakahiga na kanina at yumakap bigla kay Kiko habang nakapikit pa rin.



"'Wag ka na sad, andito naman ako.." Sabi niya dahil do'n ay yumakap pabalik itong isa at hinalikan pa sa noo si Adri. I let out a chuckle because of what I'm seeing right now. I shook my head, closing the door for them.



Binigay ko na ang susi sa blockmate ni Kiko at hinayaan na sa kanya ang dalawa. I wore my helmet as I wait for them to leave first. Dahil medyo late na ay hindi na naman gano'n ka-traffic at nakauwi rin kami agad.



Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon