Oliver
"Adrianne Serrano, just a few words!"
Kumaway ako kay Adrianne nang unti-unti ko na siyang makita. Nahaharangan kasi siya kanina ng mga reporters eh. Kumaway siya pabalik sa akin habang pilit pa rin naglalakad paalis kahit na hinaharangan siya ng mga reporters.
Kinuha ko agad ang isa niyang maleta para ilagay sa likod ng SUV na dala ko. Sinundo ko siya dito sa airport dahil walang makakasundo sa kanya. Dapat nga ay kaming dalawa ni Kiko ang susundo kaso busy pa sa trabaho 'yon, ako lang ang libre ngayong araw. Kaya pinahiram nalang niya sa akin ang sasakyan niya at ako na ang sumundo.
Napaligiran na rin ako ng mga tao dahil katabi ko lang si Adrianne. Hindi naman ako nahirapan pumasok sa loob ng SUV dahil si Adri lang ang hinahabol nila. Tinanggal na niya ang suot niyang cap at face mask pagkapasok sa loob.
"Sa'n tayo?" Tanong ko at nag-drive na paalis.
"Sa condo, gusto ko magpahinga," sagot niya habang nakapikit ang mga mata. Tumango lang ako at hindi na nag-salita para makatulog na siya. Sa pagkakaalam ko ay kagabi lang naganap 'yung fashion show niya sa Japan, after no'n ay dumiretso na siya ng airport.
Nilabas ng isa kong kamay ang phone ko habang 'yung isa ay nakahawak pa rin sa manibela. Nag-text lang ako kay Giselle na nasundo ko na si Adrianne. Wala akong natanggap na reply dahil maaga pa. Tulog pa 'yon panigurado.
"Oh," inabot ko kay Adrianne ang backpack ko. Nagtataka naman niyang tinignan ako bago tinignan ang backpack na hawak ko pa rin. Tumaas ng unti ang isa niyang kilay at kinuha na 'yon. "Andyan mga ginawa namin simula no'ng um-absent ka. Kunin mo nalang tapos balik mo kung tapos ka na."
"Salamat," maiksing sambit niya at binuksan ang backpack ko. "Marami ba?" Tanong niya pa, naghahalungkat sa bag ko.
"Hindi naman," sagot ko. "Wala 'yung iba nating prof kaya kakaunti lang ang nakapagbigay ng deadlines. 'Yung iba discussions lang ang ginawa. Teka, may excuse letter ka na ba?"
"Gagawa ako mamaya," pumikit na ulit siya. 'Di ko na siya kinausap dahil nagpapahinga na siya.
Hindi na siya nagpatulong sa akin sa pagdadala ng maleta niya sa unit niya. Dalawa lang naman raw 'yon at kaya na niya. Binalik ko na rin ang SUV ni Kiko sa kumpanyang kung saan siya nagtatrabaho. Nag-commute lang ata siya papasok eh.
Nag-send ako ng text sa kanya, sinabi ko na andito ako sa may parking area. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nakapag-reply. Sabi niya lang ay bababa raw siya para kunin ang susi sa akin.
"Nasaan na? Akin na, tumakas lang ako sa head ko!" Nagmamadali niyang sambit. Hinagis ko sa kanya ang susi na akala ko ay masasalo niya pero nalaglag lang sa sahig. "Salamat! Balik na ako! Baka mapagalitan kasi eh."
Tumango lang ako at pinanood lang siyang tumakbo pabalik ng elevator na muntik pang mag-sara. Buti nalang ay napigilan pa no'ng katrabaho niya kaya nakapasok pa siya.
"Love,"
Yumakap agad sa akin si Giselle pagkatabi ko sa kanya sa may lounge. Ngayon lang kami nakapagkita. Kahapon, no'ng sinundo ko si Adrianne sa airport, ay hindi ko na siya napuntahan. May kinailangan pa kasi ako no'n gawin sa school kahit Sabado.
Ngayon nalang naman binalak magkita. Sakto rin at may session si Giselle sa therapist niya. Last na ata 'to at masasabi kong mas naging okay na siya. Hindi na siya binibisita no'ng masama niyang panaginip. It was a relief for the both of us. Meron rin siyang check up sa opthalmologist niya, 'yung Dr. Paradina. Kakatapos lang ata ng check up niya.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
General Fiction[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...