Oliver
"Have some water, Oliver."
Umiling ako kay Piper na nag-abot sa akin ng bote ng tubig. Tulala lang ako sa may pader sa harap ko habang ginagamot ng isang nurse 'yung mga sugat ko.
"Come on, drink a little, you look dehydrated." Pagpipilit niya sa akin. Wala na siyang nakuhang sagot sa akin. Nawalan na ako ng lakas mag-salita o gumalaw. Pakiramdam ko may mga mabibigat na bagay na nakapatong sa akin.
Narinig ko nalang na napabuntong hininga si Piper. Akala ko aalis na siya pero no'ng matapos akong gamutin ng nurse at umalis ay tumabi siya sa akin. She opened the bottle for me and gave it to me. Kinuha ko nalang 'yon at uminom, nauuhaw na rin naman ako.
"Salamat.." Mahinang sambit ko. Medyo paos pa boses ko ng unti. Kumuha siya doon sa plastic na hawak niya ng pagkain at inalok ako. Umiling ulit ako para tanggihan ang pagkain. Ayaw ko talagang kumain, wala akong gana.
"Where are you going?" Tanong ni Piper nang tumayo ako bigla akong tumayo. Nilabas ko ang phone ko.
"M-May tatawagan lang," sabi ko at hindi na hinintay ang sunod niyang sasabihin.
Kailangan kong sabihan si Tita Mariel tungkol dito para masabihan niya rin ang iba naming kamag-anak. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagta-type. 'Di ko matanggap na sasabihin ko sa kanila na.. wala na si Tita. Wala na siya.
Napahinga ako ng malalim nang lumabo ang paningin ko. Tanginang luha na naman. Inis kong pinahid 'yon bago pa man sunod-sunod na tumulo at nag-type nalang ulit.
Ang bilis niyang mag-reply tapos tumawag siya bigla. No'ng narinig kong umiiyak siya ay hindi ko na rin napigilan hindi maiyak. Hindi ako makapag-salita ng ayos at mapaliwanag sa kanya kung anong nangyari. Sabi nalang niya bago ibaba ang tawag ay pupuntahan niya raw ako kaya binigay ko sa kanya kung nasaang ospital kami.
Pumunta akong restroom para doon pakalmahin ang sarili ko. Pinagtitinginan na ako ng mga taong napapadaan sa akin. Nang kumalma na ulit ako ay bumalik na ako kung saan ko iniwan si Piper.
"Oliver," tawag sa akin ni Shawn. Magkakasama na silang tatlo nila Piper at Riley. "Where have you been?"
"May.. tinawagan lang ako," sabi ko. Yumuko ako dahil napapansin ko na naman ang mga naaawang tingin nila sa akin. "Hinahanap niyo ba ako?"
"Giselle is already stable, we just need to wait for her to wake up," sabi niya. Para namang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang marinig kong okay na siya.
"Nalipat na ba siya ng kwarto? Pwede na ba siya makita?" Sunod-sunod na tanong ko. Gusto ko na siyang makita.
"We can visit her now but.." Napatingin ako sa kanya nang magdalawang isip siyang ituloy ang dapat niyang sabihin sa akin. Sinulyapan niya si Piper at Riley, humihingi ng tulong. Tinanguan lang siya ng dalawa.
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"I talked to Dr. Paradina," sabi niya. Bahagya lang na tumaas ang dalawa kong kilay. "He told me.. something about Christina. She voluntarily went to an eye bank and signed a pledge form."
"Huh?" Naguguluhang sambit ko. Nag-sign ng pledge form sa eye bank si Tita? "Kailan pa 'to? Hindi ko alam 'yung tungkol dito."
"Dr. Paradina said she did it last year. She wants to give her eyes to Giselle if ever something bad happens to her that might cause her.. death. Hindi rin namin alam na ginawa niya pala 'yon, even Giselle. Now, we need your decision, Oliver." Napaawang ang labi ko dahil sa nalaman ngayon. Kahit na wala na si Tita, si Giselle pa rin iniisip niya.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
Genel Kurgu[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...