Oliver
"Sorry po! Late na'ko eh!"
Nakita kong pagsasabihan pa ako ng siningitan kong tricycle driver dahil bumuka pa ang bibig niya pero hindi ko na 'yon hinintay pa at pinatakbo na ulit ang motor ko. Unti nalang ang oras ko, baka nga hindi na ako umabot sa una kong klase eh. Nasaktuhan ko ba namang traffic pa sa daan.
Pagkarating ko sa school ay nag-park nalang ako sa pinakamalapit. Tumakbo na ako papasok, nilagpasan ko pa ang guard na pipigilan pa sana akong pumasok dahil hindi ko suot ang ID ko pero nalabas ko rin naman agad sa bag ko at naipakita sa kanya kaya hindi na niya ako sinita pa.
Wala pa ako sa tapat ng room pero nahagilap na agad ng mga mata ko ang prof namin na palabas ng room habang may hawak na mga plates. Napamura ako sa isip ko dahil doon pa ako napa-absent sa subject na may ipapasa pala.
"Ma'am! Wait po, magpapasa ako," sabi ko habang binubuksan ang drawing tube ko. Nakuha ko naman ang atensyon niya, tumigil siya sa paglalakad para lingunin ako.
Binigyan niya ako ng isang seryosong tingin bago ako tinaasan ng isang kilay. Alam ko na ang ibig sabihin no'n, na may posibilidad na hindi niya tanggapin ang akin, pero syempre ipagpipilitan ko pa rin dahil baka magkaroon ng malaking epekto 'to sa grades ko.
"M-Ma'am! Please, wait!" Tinalikuran niya ako bigla, hindi pinansin ang sinabi ko kanina. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago ko hinabol ang prof ko. "Please, I finished this late last night that's why--"
"Always the same excuses, Oliver," she cut me off. Napatigil na ako sa paghabol sa kanya nang tumigil rin siya at hinarap ako. "I don't want to hear it anymore."
"Pero Ma'am.." Itinaas niya ang isa niyang kamay sa harap ko para pigilan ako sa sasabihin ko. Napayuko nalang ako dahil mukhang hindi na talaga niya tatanggapin.
"Oliver," inangat ko ang ulo ko para tignan ang prof ko. Bumuntong hininga siya bago tinanggal ang specs niya. "You are one of the best students in my class but now, instead of going up, bumababa ka na. Kung hindi ka late, absent ka naman sa klase ko and I know hindi ka lang sa akin gan'to."
"I-I'm sorry, Ma'am. I've just been busy with.. other stuffs," mahinang sambit ko. It's true, a week after Tita Tina's funeral, I started working to earn money myself. Natanggap ako roon sa isang restaurant bilang waiter tapos nagco-commission na ulit ako. Sinubukan ko mag-tutor ng mga high school students pero bihira ako makahanap ng tuturuan eh.
Hindi naman kasi pwedeng umasa lang ako roon sa mga ipon ni Tita na naiwan sa akin. Kahit naman mag-isa nalang ako ay marami pa rin akong pangangailangan at baka hindi sapat ang mga ipon niya. Mabuti nang may sarili rin akong ipon.
"I know you're still trying to cope up with what happened to your aunt and I understand that you're struggling until now," sabi niya at lumambot ang tingin sa akin na parang naaawa. "But you can't be like this always. Ilang beses ka nang nagpapasa ng late at uma-absent."
"Will I lose my spot on the Dean's List?" Napalunok ako sa sarili kong tanong, kinakabahan sa maaaring isagot sa akin ng prof ko.
"If I'm gonna be honest, yes, you will lose it. One more absent, one more late submission, then you're gone on the Dean's List." Sagot niya na nakapagpapikit sa akin. Hindi pwedeng mawala ako sa Dean's List.
"S-Sorry, I'll go ahead," sabi ko at tatalikod na sana pero biglang nilahad ng prof ko ang kamay niya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
General Fiction[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...