Oliver
"Love, come on, 'wag na matigas ulo."
Walang pakialam na umiling si Giselle sa akin at tumayo na sa sofa para ibalik ang librong binabasa niya sa shelf. Napabuntong hininga naman ako. I massaged the bridge of my nose before standing up to follow her.
Marahan ko siyang hinawakan sa braso niya at pinaharap sa akin. Hindi naman siya nagreklamo nang iharap ko siya sa'kin. Pero wala pa rin akong emosyon na mabasa sa mukha niya. Napahinga ako ng malalim, pilit na hinahabaan ang pasensya ko.
"It would be the best for you," sabi ko. Hinawakan ko ang kaliwa niyang pisngi. "Do it for youself, please."
"Oliver," she sighed, pulling my hand away from her cheek. "I don't want to go back to my therapist. I'm just wasting my time there. So, stop telling me to go, please."
Napaawang nalang ang bibig ko nang umalis siya sa harap ko. Simula no'ng nakita ko siya mismo na binabangungot, halos araw-araw ko na siyang pinipilit na pumuntang therapist. Pero paulit-ulit niyang sinasabi na ayaw niya roon sa therapist na pinakilala ni Shawn. Ang sabi ko naman ay pwede kami maghanap ng bago. Tutulungan ko naman siya.
Ginawa ko na lahat ng pwede kong gawin. Kung ano-anong deal na ang ino-offer ko sa kanya pumayag lang siya. Kaso wala talaga eh, final na 'yung desisyon niya na hindi siya pupuntang therapist.
"Let's go dow--"
"Bahala ka dyan, uuwi na'ko," naiinis kong sambit at kinuha na ang backpack ko sa sofa. Nasa tapat na ako ng pinto nang mag-salita siya kaya tumigil ako para pakinggan siya.
"Are you a kid? You're getting mad just because I won't agree to go to a therapist?" Kinuha niya ang stick niya at naglakad palapit sa akin.
"Bakit? Pinapapunta ba kita do'n kasi wala lang?" Tinapatan ko ang seryoso niyang boses. Pinag-krus ko pa ang dalawa kong braso. "Giselle, nakita ko kung gaano ka natatakot sa panaginip mo. Ayaw ko nang maulit 'yon, na umiiyak ka sa takot. I want you to overcome that nightmare, the bad memories."
Napakurap siya ng dalawang beses bago humarap sa ibang direksyon. Bumuntong hininga ako, hinawakan ko ang isa niyang kamay kaya napaharap ulit siya sa akin. I held the side of her neck and gave her forehead a soft kiss.
"Sasamahan kita kapag may appointment ka sa therapist mo. Sabihin mo lang sa akin, pupuntahan agad kita. Kaya dali na, pumayag ka na. Do something good for yourself, hmm?" Hinawakan ko ang baba niya at bahagyang inangat ang ulo para matignan ko siya sa mata.
"Okay," mahinang sambit niya. Halos binulong na nga lang niya 'yon na parang ayaw iparinig sa akin.
"Talaga?" Nakangiting tanong ko na sa kanya ngayon. Tumango lang siya pero sapat na naman 'yon sa akin. Mas lalong lumawak ang ngiti ko at binigyan ko siya ng mabilis na halik sa pisngi. "'Wag mo na babawiin ha?"
"I won't," sagot niya na parang wala nang choice. Pinulupot ko ang dalawa kong braso sa bewang niya. "If only you give me a kiss."
"Ginawa mo pang kapalit 'yan, gusto mo lang akong mahalikan eh." Tumaas ang isa niyang kilay dahil sa biro ko. Tumawa lang ako.
Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at inilapit ang mukha ko sa kanya. I parted my lips and closed my eyes before kissing her lips. It was just a soft and quick kiss.
"Planuhin na natin birthday mo?" Bigla kong tanong nang nilayo ko ang mukha ko sa kanya pagkatapos siyang halikan. Tumaas ulit ang isa niyang kilay.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
General Fiction[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...