Oliver
"Putangina! HAHAHAHAHAHA!"
Hindi na ako makahinga sa katatawa kay Adrianne at Kiko. Mukha na akong tanga dahil ako lang naman ang tumatawa sa table namin. Pero wala na akong pakialam do'n. 'Di ko na talaga mapigilan tawa ko.
Para akong pinapatay ni Adrianne dahil sa sobrang sama ng tingin niya sa akin. Si Kiko naman, maluha-luha nang nakatingin sa akin na parang nagmamakaawang tulungan ko siya.
"Oliver, hindi mo dapat ako pinagtatawanan, tinutulungan mo dapat ako." Mangiyak-ngiyak na sabi sa akin ni Kiko. "Pakiramdam ko sobra na-violate buong pagkatao ko!" Niyakap niya pa ang sarili habang madramang sinasabi 'yon.
"Ikaw lang? Ako rin oy!" Singit naman ni Adrianna at tinakpan ang bibig niya. Napahagalpak na naman ako ng tawa, hindi pa man ako tuluyang kumakalma sa pagtawa ko kanina.
"B-Bakit.. Ba't mo kasi hinalikan?" Tumawa ulit ako, nai-imagine ang dalawa na nag-dikit ang labi. Sayang wala ako do'n para mas maganda pero paraang hindi ko rin kayang makita sila na naghalikan.
"Dinikit ko lang labi ko!" Pulang-pula na ang buong mukha ni Adrianne, 'di ko alam kung sa inis ba o sa hiya. "Labi nito ang gumalaw!"
"Ang kapal mo, nagulat lang kasi ako." Tuluyan nang naiyak si Kiko habang masama ang tingin kay Adrianne.
"First kiss ko 'yon kupal ka, sa'yo pa napunta." Napailing nalang ako sa dalawang 'to at uminom sa palamig ko. Hindi talaga pwedeng mahiwalay ako sa kanila dahil kung ano-anong nangyayari kapag sila lang dalawa ang magkasama.
Ilang minuto pa sila nagtalo at umiyak si Kiko. Nairita na ako dahil naiistorbo ako sa paggawa ng plates kaya iniwan ko na sila. Hindi na nila ako pinigilan sa pag-alis, malamang hindi ako napansin na umaalis na. Busy nga sila sa pag-aaway.
Nang balikan ko sila kung saan ko sila iniwan, magkasundo na ulit sila. Ang bibilis mag-suyuan, sana all.
"Kayo na agad? Ang rupok niyo naman," napa-aray ako nang bigla akong sipain ng dalawa sa paa ko. Pinakyuhan pa ako ni Adrianne.
Humiwalay na ulit sa amin si Kiko dahil may klase pa siya. Kami ni Adri ay mamaya pa pero naghiwalay rin dahil kailangan kong bumili ng illustration board. Meron naman mabibilhan sa loob ng university kaya 'di na ako lumayo.
"Oliver, hi!"
Napalingon ako sa gilid ko nang may tumawag sa akin. Agad kong tinaas ang kamay nang makita si Eka at kinawayan siya. She waved back and ran towards me. Napansin kong hindi siya naka-uniform na pang-tourism student kaya tinanong ko siya kung anong meron.
"Oh we had a flight demo kanina!" She answered. "Ikaw? You don't have class pa?"
"Mamaya pa," umiwas ako saglit ng tingin para kunin na sa nagtitinda 'yung illustration board. Binigay ko na 'yung saktong bayad at naglakad paalis kasama si Eka.
"I was actually looking for you," nagpasama si Eka na bumili ng milktea. Sinamahan ko na kasi wala naman akong ibang kailangan puntahan.
"Bakit naman?" Tanong ko habang nakatingin sa menu, pumipili ng order ko. Hindi pa naman kami next sa cashier.
"Well, my parents just bought me a condo unit and super empty pa ng buong unit ko. So, I was thinking if you could help me design it? I'll pay and I already asked Adrianne to help too." Pagmamakaawa ni Eka, pinagdikit pa ang dalawang palad niya.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
Beletrie[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...