Oliver
"Love, you're still awake?"
Umupo ako sa kama at hinawakan si Giselle sa balikat niya. Nakatalikod siya sa akin at nakahiga sa kama niya. Kanina pa nga siya andito sa kwarto niya simula no'ng umuwi kami pagkatapos makipag-kita doon sa lalaki. Iniisip niya pa rin kung sino ang gumawa at bakit sa kanya ginawa 'yung ganoong bagay.
Hindi ko maisip kung gaano kahirap para sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Wala rin akong ibang magawa kundi ang samahan at i-comfort siya. Sana lang ay magawa ko rin mahanap 'yung taong gumawa sa kanya nito. Sana may iba pa akong magawa para mabawasan ang bigat na dinadala niya ngayon.
Inalis ko ang kamay ko sa balikat niya nang bigla siya gumalaw at humarap sa akin. Akala ko ay nakatulog na siya dahil ang tagal niyang sumagot. Humiga rin ako at tinungkod ang isang siko ko sa kama habang ang ulo ay nakapatong sa kamay ko.
"Why are you still here?" Walang ganang tanong niya. "It's getting late, you should go home."
Sasagot sana ako kaso napansin ko ang namamaga niyang mga mata. Halatang kakaiyak lang niya. Pero hindi ko naman siya narining na umiiyak kanina.
"Bakit ka umiyak? Sabihin mo sa'kin," hinawakan ko ang pisngi niya. Pinunasan ko 'yung ibang parte ng mukha niya na basa pa dahil sa luha niya.
"It's nothing," malamig niyang sagot at iniwas ang mukha sa akin para mabitawan ko ang pisngi niya. Siya na ang nagpunas ng mukha niya. "Go home, I'll call you if I'm feeling better."
"Hindi naman ako makakaalis kung 'di ka okay," sabi ko.
"I'll be fine, I just need some alone time," sabi niya pa para makumbinsi akong umalis na.
"Ayan ka na naman eh," bumuntong hininga ako. Sumandal ako sa headboard habang hinahaplos siya sa buhok. "Kaya ako hindi pa umaalis kasi alam kong may problema ka. Ayaw kong umuwi nang hindi man lang napapagaan ang loob mo."
"It's not your responsibility to make me feel better, Oliver." Tinalikuran niya ako at nagtalukbong pa sa comforter niya. Marahan kong inalis ang comforter para makita siya.
"Pero gusto kong gawin 'yon. 'Wag mong sanayin ang sarili mo na lagi nalang mag-isa, lalo na sa mga gan'tong panahon na nahihirapan ka. It's not wrong not to be okay. There's also nothing wrong about asking for comfort." Kahit salita ako ng salita ay nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin.
Sinama ko ang sarili ko sa comforter para mayakap ko siya sa bewang. Wala ata talaga siyang balak na mag-salita kaya hinayaan ko nalang. Basta dito lang ako hanggang sa maging okay na siya.
"Don't just call me if you're feeling okay," kahit nakapikit na ako ay kinakausap ko pa rin siya. "Call me whether you're okay or not. Kausapin mo pa rin ako kung may problema ka o wala."
Pinaharap ko siya sa akin at hinawakan ulit sa magkabilang pisngi. 'Di naman siya umangal at parang unti-unti na siyang umamo. I gave her forehead a soft kiss.
"Don't be lonely again," sabi ko at isinandal ang ulo niya sa dibdib ko. Naramdaman ko ang braso niya na yumakap sa akin at mas hinila ako palapit. Tahimik akong napatawa dahil para siyang bata na napaamo.
Right, she's just like a kid inside.
Hindi na ako umuwi sa dorm kahit may pasok pa ako kinabukasan. Maaga nalang ako gumising para hindi ma-late ulit sa klase. 'Di na ako nakapagpaalam kay Giselle dahil tulog pa siya. Nag-send nalang ako sa kanya ng text para malaman niyang umalis na ako para pumasok.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
Ficción General[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...