Oliver
Nauunang maglakad si Giselle sa akin papuntang parking. Wala namang nadaang sasakyan kaya hinayaan ko nalang mauna, mukhang alam naman niya kung saan pupunta. Tahimik nalang akong sumunod habang tinititigan siya. Matagal akong napatitig sa kanya at napaisip ng malalim. May isang tanong na gumugulo sa isip ko.
Paano niya ako na-message sa Instagram?
She has probably a device to do that. Hindi naman 'yon importante, nagtataka lang ako at siguro namangha. Sino bang hindi? Nakakaya niyang mag-isa na walang tulong ng kahit na sino.
"Hindi mo pala nasabi sa akin kung anong klaseng drawing gagawin ko," linakihan ko na ang hakbang ko para maabutan ko siya. Bahagya siyang lumingon sa direksyon ko, binabagalan na ang lakad.
"What can you do?" Tanong niya, patuloy pa rin kaming naglalakad.
"Aah.." Napaisip ako ng isasagot sa kanya kahit ang dali lang naman sagutin no'n. Kaya ko naman lahat kaso baka naman pag sinabi ko 'yon isipin niyang nagyayabang ako. "Meron ako ditong iba't-ibang gamit. May paintings, oil pastels, pang charcoal drawing at pang-graphite."
"You can do everything," sabi niya. May tipid na ngiti sa labi niya pero hindi halata 'yon kung malayo ako sa kanya. "I want you to paint me." Sagot niya sa tanong ko kanina.
"Okay, pero pwede ba tayong pumunta munang mall? Bibili lang ako ng canvas," sabi ko. Nagmadali kasi akong pumunta sa café na sinabi niya sa aking pagkikitaan namin. Nakalimutan ko tuloy bumili ng mga gamit.
"Don't worry, I already bought some materials just in case you need extras." Napatango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Okay na pala eh, tipid pa sa'kin 'yon.
Tumigil kami sa may likod ng pulang Toyota Vios. Napabuka pa ng unti ang labi ko dahil sa mangha. Ang ganda lang kasi no'ng kotse niya.
"Get inside," binuksan na ni Giselle ang pinto sa back seat at naunang pumasok. Iniwan niya 'yong nakabukas para makapasok pa ako. Sa loob ng kotse ay nakita ko isang lalaki na hindi naman masyadong matanda sa may driver's seat.
"Magandang hapon po," bati ko sa driver niya ata. Naka-uniform pa kasi siya na kulay puti eh, tsaka nginitian niya ako. I assumed I was right that he's a driver.
"Kuya Ben, let's go back to the mansion." Utos ni Giselle na agad naman sinunod no'ng driver niya, si Kuya Ben. Bumaling siya sa akin habang nagsi-seatbelt. "Seatbelt," sabi niya sa akin. Nag-seatbelt na rin ako gaya ng inutos niya.
Tahimik lang ang loob ng sasakyan, parang ako lang ang nakasakay. Inaantok tuloy ako, samahan pa ng pagod ko sa klase. Nilibang ko nalang ang sarili ko, kumuha ng notebook at nag-drawing ro'n.
"So, when did you start doing commissions?" Napatigil ako sa pagshe-shade sa drawing ko nang mag-salita si Giselle. Kumurap ako ng dalawang beses bago binaba ang notebook ko.
"Simula noong nag-college ako, sinubukan ko tumanggap ng commission. Tapos nagtuloy-tuloy na," sagot ko. Nakakagulat pala kapag siya ang nag-umpisang makipag-usap.
"What year?" Tanong niya ulit at hindi ko agad 'yon nasagot kaya nilinaw niya ang tanong. "What year are you in college?"
"3rd year, I'm taking architecture." Nang sagutin ko siya ay akala ko may susunod pa. Pero nanahimik na siya at mukhang wala nang balak pang mag-salita. Tinabi ko na ang notebook ko at humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
General Fiction[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...