Oliver
"Badtrip!"
Napaangat ako ng tingin nang biglang ibagsak ni Kiko 'yung sarili niya sa upuan na katabi ko. Nabunggo niya pa nga ako eh, pero hindi ko 'yon pinansin. Kahit nag-simula na siyang mag-salita tungkol sa dahilan kung bakit siya badtrip, 'di ko siya pinansin. Si Adri lang tuloy kausap niya.
Iniisip ko lang 'yung pinagsasabi ni Giselle no'ng Sabado. Hindi kasi maalis sa isip ko, parang paulit-ulit kong naririnig ang boses niya sa tenga ko. Minsan nagagawa ko nang makalimutan pero bigla ko nalang maaalala ulit.
Sinandal ko ang siko ko sa may sandalan ng upuan ni Kiko habang nakatulala pa rin sa may lamesa.
"Oh," inabot sa akin ni Adrianne ang sandwich niya bigla. Naputol ang pag-iisip ko at tinignan na nagtataka siya. Hindi ko pa kinukuha ang sandwich niya. "Gusto mo ata eh, kanina ka pa nakatitig, sa'yo na oh."
"Ah.." Umiling ako sabay tulak ng kamay ni Adrianne kung saan niya hawak ang sandwich. Inalok niya pa ko ulit dahil baka nahihiya lang raw akong kunin. Sumenyas ako na ayaw ko nga kaya kinagatan na niya.
"May problema ka ba?" Tanong ni Kiko. Saglit akong napatitig sa dalawa, nag-iisip kung dapat ko bang sabihin sa kanila.
"Weird ba kapag may umamin sa inyo bigla na gusto niya kayo kahit ilang beses palang kayo nagkakausap?" Tanong ko sa kanila dahilan para magtitigan sila.
"Hindi?" Kumunot ang noo ko. Sagot ba 'yon?
"Hindi?" Ulit ko.
"Hindi," umiling pa silang dalawa. "'Di ka pa ba nagcu-crush?"
"Ano ko high school?" Napataas isa kong kilay at sumandak sa upuan.
"Bakit si Adrianne? Ang tanda na pero may crush pa rin." Dahil sa sinabing 'yon ni Kiko, hinampas siya ni Adri sa ulo gamit 'yung bote ng tubig na wala nang laman.
"Bente kwatro palang naman ako, taena mo." Tinawanan lang siya ni Kiko. "Bakit mo nga pala natanong, Oli?"
"Wala lang," sagot ko. So, kung totoo man sinasabi ni Giselle, bigla nalang talaga niya ko nagustuhan gano'n?
Napatingin sa akin ang dalawa nang mag-ring bigla phone ko. Pero bumalik rin naman sila sa pag-uusap. Ako, lumayo muna sa kanila bago tignan kung sino ang natawag. It was Giselle, shit, why she's calling now?
Ilang segundo akong nakatitig ro'n, iniisip kung sasagutin ba 'yon. Sinubukan kong hintayin kung ibababa niya ba ang tawag kapag matagal akong hindi sumagot. Pero hindi siya tumigil, mukhang hihintayin niya ako hanggang sa sagutin ko na.
"Oliver, tara next class na natin," sambit ni Adri pagkalapit sa akin. 'Di ko na sinagot 'yung tawag at binulsa nalang.
Tahimik lang akong nakikinig sa professor ko na nag-sasalita sa harapan nang maramdaman kong nag-vibrat ang phone ko. Hindi no'n unang beses nag-vibrate, bago pa ata mag-simula ang klase ay sunod-sunod na ang pag-vibrate nito. Hindi ko nalang pinapansin, pero hangga't hindi ko pinapansin mas lalong hindi tumitigil.
Napabuntong hininga nalang ako at pikit ng mata. Tinignan ko saglit ang prof ko at nang makitabg nakatalikod naman siya, binuksan ko agad notebook ko at ginamit 'yon para takpan phone ko.
Giselle:
Why aren't you answering ur phone????'Yung unang text lang niya ang binasa ko dahil puro call lang naman ginagawa niya. Nag-type ako ng reply sa kanya.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
Ficção Geral[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...