Chapter 8

45 3 0
                                    

Oliver




"If someone shows up the moment that you need them, that's destiny... That's you, Oliver."




Hindi ko agad naalis ang mga mata ko sa kanya. 'Di nga ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Para bang nasa masikip kaming kwarto at kapag gumalaw ako ay may mangyayaring hindi maganda.




Biglang gumalaw 'yung dalawa niyang kamay papunta sa magkabilang balikat ko. Binigyan pa niya ang balikat ko ng mahinang pisil. Napaawang ang labi niya na parang may na-realize.




"Your shoulders are so broad," sabi niya at parang manghang-mangha pa. 'Yung isa niyang kamay ay bumaba sa braso ko. "Are you doing a light workout?"




"Bihira nalang," sagot ko. Nagawa ko nang iiwas ang tingin ko kay Giselle habang nakahawak pa rin siya sa braso at balikat ko.




"I have such a great taste when it comes to men," she said, biting her lower lip. I gulped, licking my lips. Nag-iinit na naman ang buong mukha ko kahit abot naman dito ang lamig ng aircon.




Napatingin ako doon sa pinto ng restroom nang bigla 'yon magbukas. Lumabas 'yung babae kanina na sumunod sa aking gumamit ng banyo. Napatigil siya nang makita ang pwesto namin ni Giselle. Parehas kami no'ng babae na namula sa hiya.




Naramdaman ata ni Giselle na may nakatingin sa amin kaya lumingon siya sa direksyon ng babae. 'Yung kaliwa niyang kamay na nakahawak kanina sa braso ko ay nilipat nita sa may bandang dibdib ko. Hindi rin niya inaalis ang tingin sa babae.




"P-Pwede na kayong gumamit po.." Yumuko at mabilis na naglakad paalis. Mukhang maghuhugas pa sana siya ng kamay kaso hindi niya magawa dahil nakaharang kami ni Giselle.




Inalis ko ang kamay ni Giselle sa akin at hinila siya paalis rito sa restaurant. Ako na rin ang nagbayad ng kinain namin at hindi naman siya nag-reklamo pa ro'n.




"May klase pa ako, nasaan si Kuya Ben? Hatid na kita sa kanya," sabi ko habang palabas kami ng mall. Hinanap ko na rin 'yung susi ng motor ko gamit ang kaliwa kong kamay dahil hawak-hawak ni Giselle ang isa. 'Di ko tuloy magamit.




"I sent him home," sagot niya. Napatigil ako sa paghahanap ng susi ng motor ko dahil sa sinabi niya. Anong pinauwi, eh andito pa siya? "Ihatid mo ko sa bahay ko."




"Huh?" 'Yan nalang ang nasabi ko. Alam naman niyang naka-motor lang ako 'di ba?




"You heard me, hatid mo ko sa bahay." Nakangisi pa siya nang sabihin 'yon.




"Naka-motor lang ako, wala akong kotse." Binigyan niya lang ako ng isang tango na parang sinasabi sa akin na alam niya 'yon. "Ayos lang ba sa'yo?" Tinanguan niya lang ulit ako.




Tinignan ko ang oras sa screen ng phone ko. Maaga pa naman kaso baka ma-late ako dahil sa Katipunan pa itong si Giselle. Bumuntong hininga ako at ibinalik ang phone sa aking bulsa. Bahala na, bibilisan ko nalang bumalik.




Naglakad na ulit kami palabas ng mall. Malapit lang naman ang parking lot ng mga motor kaya nakarating agad kami. Binuksan ko 'yung ilalim ng seat ng motor ko at kinuha ro'n ang extra helmet na lagi kong dala. Lagi ko naman kasing kasabay pumasok si Kiko kaya bumili na ako ng extra para sa kanya.




"Halika rito," tawag ko kay Giselle. Nagtataka naman siyang lumapit sa akin, naka-fold na ang stick niya. Tinanggal ko ang sunglasses niya para masuot ko sa kanya ang helmet. Nang maisuot ko sa kanya ay natawa ako ng mahina. Ang laki para sa kanya 'yung helmet. "Sorry, nagulo ata buhok mo."




Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon