Oliver
"Okay ka na?"
Ilang oras na kaming nakaupo dito sa may bench. Sinamahan ko na siya hanggang sa kumalma siya at tumigil na sa pag-iyak kahit hindi naman niya ako pinapansin. 'Di rin naman ako nag-sasalita, tinabihan ko lang siya para kung sakaling gusto niya ng kausap.
Ngayong kalmado at tahimik na siya ay sinubukan kong kausapin. Pero hindi pa rin ako pinapansin. Para tuloy kaming nag-away dito at sinusuyo ko siya ngayon. Nakakahiya kasi pinagtitinginan pa kami ng mga tao.
"Ayos ka na ba..?" Ang hina ng boses ko, takot na baka may masabi akong mali. Lumingon siya sa side ko, nakakunot ang noo niya.
Hindi niya ako sinagot, kinuha niya 'yung sunglasses niya na nakasabit sa shirt niya at sinuot. Para siguro itago ang namamaga niyang mata. Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang panyo ko at binulsa 'yon. Hiniram niya kasi kanina ulit para magpunas ng luha.
"I need to go," paalam niya sa'kin. Hindi man lang na-realize na akin 'yung panyong nabulsa niya. Pinahiram ko lang sa kanya 'yon pero baka inisip niya na binigay ko na sa kanya.
Gaya ng sabi niya, tumayo na siya para umalis. In-unfold niya 'yung stick niya at tsaka naglakad palayo. Nagmadali akong humabol sa kanya dahil sa bilis niyang maglakad. Wala naman nang masyado siyang nakakasalubong na tao kaya ayos lang na mabilis siya maglakad.
"Giselle 'yung.." Mas bumilis ang paglalakad niya. 'Di ko tuloy masabi-sabi sa kanya na kukunin ko na ang panyo ko. "Panyo ko na sa'yo pa." Sinubukan ko ulit sabihin.
Bumalik ako ng dorm na hindi man lang nakukuha 'yung panyo ko. Hinayaan ko nalang din, panyo lang naman 'yon. Dapat sa Katipunan na ang uwi ko ngayon pero dorm ako dumeretso dahil aalis kami ni Kiko. Inaaya nga akong manood no'ng show kung saan magpe-perform si Chloe.
Ako lang kasama niya dahil 'di naman sasama 'tong si Adrianne. Bukod sa may part time job siya, uuwi ulit siya ng Nueva Ecija dahil bakasyon na naman namin.
Simpleng white t-shirt lang sinuot ko papunta doon sa venue ng show tapos denim overalls. Wala naman required na damit pag pupunta naman do'n 'di ba? Wala na rin kasi akong matinong damit na pang-alis.
"Oli, ito suotin mo." Inabot ni Kiko sa akin 'yung puti rin na damit pero may naka-print roon na pangalan ni Chloe at picture niya.
"Ayaw ko, magmumukha naman akong tanga." Reklamo ko sabay balik sa kanya ng shirt. Okay na 'tong suot ko, baka pagtinginan pa kami ng mga tao do'n.
"Hindi 'yan! Marami rin gan'yan ang suot doon," pagpupumilit niya sa akin. Tinanggal niya sa pagkaka-butones 'yung denim jacket niya at pinakita sa akin ang suot niyang pink shirt. "Ako rin naman ito suot. Sige, magpalit ka na."
Dinaan na naman niya ako sa pagpapaawa niya kaya naman ito ako ngayon suot na ang shirt na binigay sa akin. Natatakpan naman 'yon ng overalls ko kaya 'di masyadong kita 'yung picture ni Chloe pero 'yung pangalan niya kita.
"Puno na 'yung parking lot, baka magpapasok na sila mamaya, hindi pa tayo nakakahanap ng parking." Nag-aalalang sabi ni Kiko, palinga-linga pa siya. Kanina pa naman kami paikot-ikot dito kaya lang wala pa kami mahanap.
"Doon?" May tinuro akong parking pero hindi ko sure kung wala bang naka-park do'n. Ang labo ng mata ko hindi ko masyadong makita kung meron ba o walang kotse. "Bilisan mo at baka maunahan ka pa."
Wala naman kotse nang tignan namin kaya agad nag-park ro'n. Kaso masyadong malayo na 'to doon sa may venue. Ayos lang naman sa akin 'yon at mukhang wala nang pakialam si Kiko, makanood lang.
BINABASA MO ANG
Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]
Ficțiune generală[Celebrity Series 2] After getting into a tragic accident, the famous main dancer of a girl group, Giselle Lazaro lost everything.. her career, her eyesight, and even the meaning of life. Until she crosses path with the shy and sweet architecture st...