Chapter 14

32 2 0
                                    

Oliver




"Ooh..."




Gulat akong napatingin kay Giselle nang sabihin niyang girlfriend ko siya. Hindi ko alam kung ano ire-react ko. Malay ko ba kung seryoso siya sa sinabi niya. Masyado naman akong ginugulat nito eh. Totoo ba 'yon? Baka bawiin niya rin mamaya.




Si Eka ay palipat-lipat ang tingin sa amin ni Giselle. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin para tigilan niya 'yan, nakakaasar ang mukha niya.




"Okay," sabi ni Eka. "I think I need to go. Nice meeting you, Giselle, by the way I'm a fan." Habol niya pa bago umalis. Sinenyasan niya ako at ngumiti ng nakakaasar sa akin. Inikutan ko lang siya ng mata.




"Bye," walang ganang paalam ni Giselle sa kanya.




Saktong pagkaalis ni Eka ay kami na ang sunod sa cashier. Unti lang naman ang mga binili kaya natapos kami agad at lumabas na ng store. Ang tahimik bigla namin habang mabagal na naglalakad. Kaya naisip ko na siyang tanungin tungkol do'n sa sinabi niya.




"T-Tayo na?" Puta nautal pa nga. Mas bumagal ang paglalakad niya kaya naman binagal ko rin ang akin para sabay lang kami. Hanggang sa tumigil na kami at humarap siya sa akin bigla. Napakagat ako sa ibabang labi ko, hinihintay ang sagot niya.




Ang tagal niyang tahimik, parang may malalim na iniisip. Hindi ko nalang siya pinagmadali at hinintay siyang sumagot. Umiwas ako ng tingin habang hinihintay siya. Pero bumalik rin naman ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang sarkastiko niyang tawa.




"Friends? So we're friends?" She looked so disappointed at me. Nahihiya kong ginalaw ang salamin ko.




"Dapat ba sinabi kong nililigawan kita? O special someone kita? Gano' ba 'yon?" Napalingon ulit siya sa akin at napailing nalang. "Ano ba tayo? Tayo na ba talaga?"




"God, you're clueless," natatawa na niyang sambit. She even massaged the bridge of her nose while laughing. Hinawakan ko ang isa niyang kamay kaya napaharap ulit siya sa'kin.




"Tinatanong kita," sabi ko. "Tayo na?" Nanahimik na naman siya at parang malalim na naman ang iniisip. I rubbed the back of her hand with my thumb, so she wouldn't be pressured.




"I guess?" Hindi pa siya sigurado. "Uh, I don't know, Oli. I mean, I've been thinking about having a relationship with you and.."




"Hmm," I hummed, patienly waiting for what will she say next.




"We like each other, then let's be together." Mukha siyang determinado no'ng sinabi niya 'yon kaya natawa ako ng mahina.




"Are you sure? If you're just feeling pressure because you told Eka that you're my girlfriend, then it's okay, ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya. Liligawan pa rin naman kita eh, hanggang sa sagutin mo na'ko," sabi ko. Ayaw ko namang pilitin siya kung 'di pa talaga siya ready.




"I'm sure, don't worry. I want a relationship with you only. Let's be together," ulit niya pa, naiinis na.




"So, tayo na?" Tanong ko.




"Paulit-ulit," inirapan niya ako.




"Dali na, gusto kong sabihin mo," pilit ko pa. Bumuntong hininga siya, wala nang magawa. Nakangiti kong hinintay ang gusto kong marinig sa kanya.




"Yes, tayo na," sabi niya. My lips slowly formed a satisfied smile. I squeezed her hand a little before intertwining our fingers together.




Waltzing Above The Clouds [Celebrity Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon