"Aviona's Pov"
Andito lang ako ngayon sa condo ko at nakahiga. Weekends ngayon kaya balak ko ding umuwi ng mansyon ngayon.
It's been a week since that incident happened at simula din nun ay naging tahimik na ang buong linggo ko.
Isang bagay lang talaga ang hindi mawala wala sa isip ko. At yun ay ang lamang sulat ng envelope na itim.
Letrato ito ngunit hindi ko alam kung sino. Isa itong letrato na walang mukha. Para siyang paper doll na tanging meron lang ay damit. Base sa pananamit nito, masasabi kong isa itong babae.
Don't trust too much dear. Siya naman ang kukunin ko sayo. Be aware and open your eyes, nasa paligid mo lang ako. Nasa tabi mo lang ang tutuklaw sayo HAHAHAHA
Siya? Sino ba kase yung siya na yun?
It's a lie if I said na hindi ako affected dito kase sa totoo lang kinakabahan talaga ako.
I sigh heavily before I decided to stand and ready myself for leaving.
**
Andito na ako ngayon sa mansyon and I'm talking to secretary Min at the moment. Pinag uusapan kase namin ang tungkol sa gaganaping charity ball this week.
"Don't worry young miss, I already talked to Miss Kim and according to her everything is settled. Maayos na din ang mga mga na ilalagay natin sa auction. All you have to do is to prepare for the venue." mahabang paliwanag ni secretary min.
"Okay, I'll handle it tomorrow. Just make sure na settle na ang mga taong pupunta."
"Don't worry young miss dahil inform na silang lahat especially the top 10's parents."
Napatigil naman ako at napatingin sa kaniya dahil sa narinig ko.
Top 10? You're so stupid Viona! Bakit nga ba hindi mo naisip na kasama sila? Like hello? Sila ang top 1 richest malamang pupunta sila.
"Miss are you alright?" napabalik naman ako sa reyalidad. Tumango nalang ako dito at pilit na ngumiti.
"Thankyou secretary Min, will you please excuse me, magpapahinga na muna ako sa kwarto. Medyo pagod din ako eh." sabi ko nalang at umakyat na sa kwarto.
Agad kong isinara ang door at diretso bagsak sa kama. I'm sure na kahit anong iwas pa ang gawin ko ay magkikita at magkikita parin kami. Napabuntong hininga na lang ako.
What should I do?
Am I ready for this?
Kaya ko na ba silang harapin?
Ipinikit ko na lamang ang aking mata at pilit na inalis muna ito sa aking isip.
Kinabukasan..
Andito kami ngayon sa Vip room along with my friends. Kanina pa nila ang pinagmamasdan and I can see those confuse look on their faces while staring at me.
Napabuntong hininga na lang ako bago magsalita. "Speak, I know all of you have something to say or to ask rather." seryoso lang na sabi ko.
"Viona, please don't make bad conclusions with this but, can you please be honest with us?" seryosong tanong ni yasmin.
Napatitig naman ako dito sabay tango. "Bakit may threat sa buhay mo?" tiningnan ko naman sila isa isa na parang yun din ang gusto nilang masagot ko.
Napangisi naman ako bago magsalita. "Do you really want to hear it?" malamig na tanong ko.
"Ayan ka na naman eh, answering us with another question." tila frustrated na sabi ni Vlaire. Natawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Fearless Queen
Teen FictionAviona Reign Taika Smith, She was unstoppable not because she did not have failures or doubts but because she continued on despite of them. After all of this pain that happened in her life, she became fearless and stronger women. She became cold as...
