Chapter 29-Aviona Lee

845 62 2
                                        

"Aviona's Pov"

Habang palapit ako ng palapit sa school ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Ano na naman kayang binabalak ng Tita kong kampon ni satanas.

Nagulat naman ako ng bigla akong harangin ng mga guards sa gate. Okay? So anong nangyayari?

"Excuse me po Miss, pero naka banned na po kayo dito. Hindi na po kayo pwedeng pumasok." sabi ng isa sa mga guard na humarang sakin.

"Wait--what?!" iritang sigaw ko.

"Kayo po ito hindi ba?" tanong nito at ipinakita sakin ang hawak niyang papel na may picture ko. Seriously?

"Oo ako nga, eh ano naman sayo ngayon?" maangas na tanong ko. "Pwede ba kuya guard, nagmamadali ako, kaya umalis kayo sa dadaanan ko!" bwisit na mga 'to! Kung sila kaya ang tanggalan ko ng mga trabaho!

"Miss, pasyenya na po pero, utos po ito ng mismong may ari ng school." May ari? Sa pagkakatanda ko, ako ang may ari ng school nato!

Sorry kuya guard! Sinapak ko ang guard na nasa harapan ko. Agad namang binunot ng iba pang guards ang baril nila at itinutok sakin.

"Dixie's Pov"

Hindi naman ako mapakali ngayon sa Vip room. Nakatayo ako at urong sulong ng lakad.

Myghad! Anong gagawin ko?! Kase naman eh!! Arghh! Bat naman kase pinatay niya agad ang phone! Hindi pa ako tapos mag paliwanag eh!!

"Hey, kumalma ka nga diyan! Nahihilo na ako sayo." hindi nga pala nila alam. Sasabihin ko ba? O hindi? Curse that crazy b*tch!!! Siya kase may kagagawan nito eh!

***flashback***

Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria nang matanaw ko ang isang pamilyar na babae sa may gate.

Tita Aileen!

Sa sobrang taranta ko ng makita ito ay agad akong nagpaalam sa mga kasama ko.

"Una na kayong umorder, may nakalimutan lang akong kunin sa car." palusot ko.

"Samahan na kita?"

"N-no, it's fine! Sige I have to go!" patakbo ko na silang iniwanan.

Ano na naman kayang pakay ng b*tch nato?

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanila. Nagtago ako sa likod na guardhouse. Sapat lang para marinig ko ang pinag uusapan nila.

"Kahit anong mangyari, wag na wag niyong papapasukin ang babaeng yan!" Nakita ko naman na inabutan nito ang guard ng letrato.

Nagulat ako ng mapagtanto kung sino ang babaeng nasa letrato. Sa sobrang gulat ko ay nasanggi ko ang kahoy sa gilid ko. Agad naman akong tumakbo palayo dun ng maramdaman ang palapit nila.

***end of flashback***

Hindi siya pwedeng pumasok dito! Ano gagawin ko?!. Abangan ko na lang kaya sa gate? Tama!!

"Teka." bigla namang hinawakan ni Kairo ang kamay ko. "San ka pupunta?"

"Sumama na lang kayo, kailangan ng tulong ni Viona." Pero nagulat ako ng mas nauna pa si Raiden saking lumabas.

Ilang sandali naman kaming nagkatinginan ng mga natira sa loob bago tuluyan lumabas.

..

"Aviona's Pov"

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon