Chapter 32- I'm in Pain

851 44 2
                                    

"Dixie's Pov"

Myghad! Ano bang ginagawa nila?! Dumadagdag pa sila sa problema eh.

Si Ajay naman ang bumagsak sa sahig dahil sa malakas na suntok ni Raiden. Kita ko naman ang dugong kumawala sa gilid ng labi nito na agad niya ding pinunasan.

Nagtinginan muna ang dalawa bago tumayo si Ajay at sumugod. Balak ko sanang umawat pero parang natuod ako sa kinatatayuan ko. Maging ang mga kasama ko ay halatang nagulantang sa mga nangyayaring ito.

Nakaganti naman si Ajay dahil nasapul din nito si Raiden sa kaliwang pisnge. Dumugo din ang gilid ng labi nito.

"Damn! What's your problem?!" galit na sigaw ni Ajay.

"Ikaw, ikaw ang problema ko. Bakit tinulak moko?!" galit na segunda naman ni Raiden.

"Why did you hu---"

"SHUT UP!!" napatigil sila sa malakas na sigaw ni Reign. Tumayo ito at pumagitna sa dalwa. "Pwede ba? Kung mag aaway kayong dalawa, wag dito!!"

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang mga dugo sa kamay nito. Sa kamay niya galing ang mga dugo dito?

Napatingin naman ako sa dalwang lalaki sa harap niya na. May dugo ang damit ni Raiden. Marahil ay dahil sa pagyakap niya kay Reign. Seriously? Hindi niya ba napansin yun?!

"Pwede ba?! kung mag aaway kayo please wag na dito! Nakakasira kayo ng araw eh!" sigaw ni Reign at bumalik na uli sa pagpulot ng mga kalat.

Nakita kong nag ambaan pa ng suntok ang dalawa kaya lumapit na ako dito. Tiningnan ko naman silang dalawa ng masama. Sinenyasan ko si Ajay na umalis na muna.

"Damn!" Inis na sabi nito saka lumabas ng office. Sinenyasan ko naman ang iba na lumabas nadin at isama si Raiden.

"Let's go kuya." pagpupumilit ni yasmin dahil ayaw pahigit ni Raiden.

"I'll stay! Just go!" matigas na sabi nito. "Sh*t! Your hands are bleeding!" natatarantang sabi ni Raiden at sinubukang lumapit kay Perez.

Reign? Ano ba talagang nangyari sayo?!

"A-ano ba kayo?" tumawa pa ito. Please stop doing this! Naawa ako sa itsura ni Reign. Halatang halatang kinukumbinsi niya lang ang sarili niyang okay siya. "Ayos lang nga a-ako... Na-naglalaro lang ako oh!" hinagis hagis niya pa ang mga kalat na pinulot niya.

"No you're not! Can't you see yourself right now? F*ck! Nakikita mo kalagayan mo?! You're not okay!" Inis na sigaw ni Raiden.

"Aviona's Pov"

"I'm okay, umalis na muna kayo." sabi ko kay Raiden ng hindi manlang tumitingin sa kanya.

Ayoko, ayokong kawaan nila ako. I-I'm ok-okay! Nararamdaman ko naman ang pag aalinlangan nito dahil hindi pa ito umaalis sa pwesto niya. "P-please.." halos pabulong ko na lang itong nasambit.

Naririnig ko pa ang malalim na buntong hininga nito. "Fine! Let's go guys!" Inis na sabi nito. Hinintay ko muna silang makaalis bago tumingin kay dallas. Ngayon ay kaming dalwa na lang ang naiwan sa office nato.

"W-what happened Reign?" kita ko ang pag aalala sa mga mata nito.

"S-sila... Si-la dallas..." hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Agad naman akong niyakap ni dallas.

A year ago, pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak ng ganto but I think years are still not enough to get away all this pain.

"Th-they.. Betr-ayed me..."Sobrang bigat ng dibdib ko. All I want right now is to cry.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon