Chapter 16-Friends

1K 98 4
                                        

"Aviona's Pov"

"Pero nagtataka lang ako, ano namang mapapala nila sayo? I don't want to offend you but.. Hindi ka naman mayaman. Why would they risk they're life just to kill you? Wala naman silang mapapala sayo diba?" nginitian ko naman siya.

Actually, alam ko namang tatanungin niya rin 'to eh medyo natagalan lang gaya ng inaasahan ko.

"I'm too much precious than gold Raiden." makahulugang sabi ko.

"What do you mean? Bakit ba masyadong misteryoso ang pagkatao mo? I even tried to find some backgrounds of yours pero limited lang lahat ng data's. Sino kaba talaga?"

"Like what I expected, paiimbistigahan niyo talaga ako. But as I always say, you'll die if you'll know.. So it's better for you to stop asking dahil may mga bagay sa mundo na complicated at sadyang mahirap intindihin." seryosong saad ko.

"I know you have your own reason." tinap niya ang braso ko. "Pero kapag kailangan mo ng tulong.. Don't hesitate to call me. I will be there for you always I promise.." napangiti ako ng mapait ng maalala ang isang tao.

"Don't make a promise Raiden." nanatili ng blanko ang ekspresyon ko. "Because the last person who promised to be always at my side--"tiningnan ko siya sa mga mata.

"Iniwan ka din?" medyo nagulat ako sa tanong ni Raiden pero hindi ko yun pinahalata. "Tama ako diba?"

"Yes.. Umalis din siya, Iniwan niya ako.. Sumuko agad siya... Kaya--" I took a deep breath bago muling nagsalita. "Kaya ngayon palang sinasabi ko na.. Don't promise anything Raiden because we don't know what would possibly happen next."

"Pero hindi ako sila Perez."

"Yeah, maybe you're not them but who knows? Mahirap at masakit ang umasa, ang maiwan, kaya nakakatakot nading magtiwala at maniwala Raiden." napayuko ako. "It hurts, trust me, it really do!!"

"It's hard to trust again, I know, but sometimes, kailangan din nating maniwala at magtiwala dahil kung patuloy nating hahayaang makulong ang sarili natin sa sakit at lungkot na dulot ng kahapon, paano tayo mag gagrow?" hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya.

Isang Raiden Scott? Pinapayuhan ako? Wow!! Just wow!

Ito ata ang unang pagkakataong nagkasundo kami eh.

"Ewan ko ba, ang hirap eh." hindi ko alam kong bakit ko 'to nasasabi sa kanya pero to be honest, magaan talaga loob ko sa kanya ngayon. Para bang hindi siya yung Raiden na nakilala ko noon. Parang biglang nag iba yung ihip ng hangin.

"I know, you have some trust issues now but I do hope that after this talked we can be officially friends?"

"Wow!! Akalain mo yun pfft.. Ikaw na mismo nag ooffer sakin ngayon?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Anong espirito ba ang sumapi sayo? Kahapon lang kung pintasan moko wagas eh, tas ngayon biglang ambait bait mo."

"Ayaw mo? Edi wag arte eh." Inirapan pa ako nito.

"Alam mo para kang bakla pfttt. kas--" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sakin.

"Bakla ako?" tanong niya habang nasa ganoong posisyon parin kami. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"B-binibiro lang naman kita eh.." hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Hindi ko siya magawang itulak. Nanlalambot ang mga kamay ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon