Chapter 38-The Surprise "Sorry"

673 32 4
                                    

"Aviona's Pov"

Maaga akong nagising gaya ng usual kong ginagawa. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay saglit muna akong tumingin sa salamin.

Natatawang naiiling naman ako sa sarili ko ng makita ang mukha ko.

Now, I'm really as creepy as a monster. Masyadong pugto ang mga mata ko.

Seriously? Ganun kasobra ba ang iniyak ko? Tsk, tsk..

Dali dali akong naghanap ng salamin sa kabinet ko. Buti na lang may nakita akong plain lang na salamin na talaga namang bagay sa mukha at suot ko.

Matapos kong masigurong okay na ako ay dali dali nadin akong lumabas.

Andito na ako ngayon sa parking lot. Pagkasuot na pagkasuot ko ng helmet ay sakto namang nagring ang phone ko.

Dallas calling.....

"Hello Reign?" napakunot noo ako ng mapansin ang malamig na boses nito.

Ano naman kayang problema ng isang 'to?

"Oh?" walang kagana ganang tanong ko.

"Wala man lang hello o hi manlang diyan?" iritang tanong niya.

"Tss. Ano bang problema mo? Aga aga ang init ng ulo mo?" kunyaring inis na sabi ko.

"Psh. Wait us in the parking lot. Susunduin ka namin ni Ajay."

"At bakit naman? Kaya ko pumasok mag isa!" seryosong sabi ko.

"Duhh! Malamang alam ko yun. Pero ewan ko ba naiinis din ako. Si Kairo kase nag request na kung pwede ay sabay sabay daw sana tayong pumasok." Inis na himutok nito. Kaya napailing na lang ako at pinatay na ang phone.

Mukhang kailangan ko pa silang hintayin. Tsk, tsk..

"Dixie's Pov"

Ano na naman kayang pinaplano ng magkakaibigang yun?!

Hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanila dahil sa nangyari kahapon.

"Hey chill lang. Highblood ka masyado." pagbibiro naman ni jayjay sakin (ajay). Inirapan ko naman ito.

Bilib talaga ako sa taong ito eh. Madalang mo lang talagang makitang apektado siya. Sobrang masayahin talaga kase ni jayjay(Ajay).

"Come'on dallyy, smile." nakangiting sabi pa nito habang nagdadrive.

"Nakakainis kase!!! Siguraduhin lang nilang maganda ang bubungad satin sa school, kundi nako!!!" gigil na gigil na sabi ko at natawa naman ito. Hindi ko na lang ito pinansin at pumikit na lang.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakadating nadin kami sa condo ni reign.

Mabilis bumaba si Ajay at pinagbuksan si Reign ng pinto ng kotse.

"Good morning tai!" masayang bati ni jayjay sa kanya.

"Morning." nakangiti ring bati naman ni Reign.

Pagkapasok niya ay bumalik nadin sa pwesto si jayjay para magmaneho.

"What's wrong?" kunot noong tanong ni Reign sakin ng tingnan ko ito sa backseat.

"Nothing. Wala lang ako sa mood ngayon." she just shrugged at pumikit na lang. Ganun din naman ang ginawa ko.

Pagpark ng kotse ni jayjay ay agad na rin kaming bumaba.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon