"Aviona's Pov"
Ansarap ng tulog ko ah, teka.. Kinapa-kapa ko ang hinihigaan ko. Tao? Sh*t tao nga, sa sobrang gulat ko na out of balance ako.
Muntik na akong malaglag kung hindi lang ako nahigit ni Raiden. "You're too clumsy." sabi niya lang. Nagkibit balikat nalang ako.
"Why are you here?" mataray na tanong ko.
"Lagi ka ba talagang nakaka amnesia?" abat, daig pa ako nito kung makairap ah. Nag flashback naman bigla sa utak ko lahat ng nangyari kanina. Snake!
"Yung a-ahas?" kabadong tanong ko.
"Patay na. Hindi ka takot mamatay, pero takot ka sa ahas?" tila hindi makapaniwalang sabi nito.
"Pakielam mo ba ha? Eh sa takot ako eh." nagsimula na itong bumaba sa puno.
Aalis na siya? Nagalit ko ata.
"A-ah Raiden," napatigil naman ito. "Salamat pala." tumango lang ito at nagpatuloy na sa pagbaba at umalis na din.
Sh*t! Ang bilis ng tibok ng Puso ko. Why am I feeling this?
"Dixie's Pov"
"Where have you been?" taas kilay na tanong ko kay Reign ng dumating ito.
"Just somewhere." I just sigh. As usual, wala talaga 'tong matinong sagot.
"Great!" napatingin naman ako kay Vlaire. "Since andito na si Viona, we can now go to the mall."
"Wag ka na umangal hehe" bulong ko kay Reign. I heard her sigh before she said yes.
..
"Aviona's Pov"
Sakay ako ngayon ng car ni Raiden. I have no choice, ayoko naman makagulo kay Dallas at Kairo.
Si Yasmin at Drake naman magkasama sa car. Si Vlaire at Kenzo magkasama din. Si Vienna,. Ayon mag-isa, ayaw niya kase may kasama.
Wala talaga akong balak sumakay dito, kaso ayaw pumayag ni dallas na mag motorbike ako baka daw hindi ako dumating.
Akala mo naman tatakasan ko sila psh.
Napatingin ako sa phone ko ng makitang umilaw ito. May nag text na namang unknown number.
Actually, halos araw-araw nadin akong nakakatanggap ng mga threat from different numbers.
From: Unknown number
How are you Lee? Balita ko natakot ka daw sa alaga kong ahas.. Sayang nga lang at napatay ito.. MAGHANDA KA, HINDI LANG YAN ANG IBIBIGAY KO SAYO!
Naiyukom ko naman ang kamao ko sa nabasa ko.
Sinasabi ko na nga ba!! May nagpakana talaga ng lahat ng 'to! Damn you assh*le!
"Is there something wrong?" umiling lang ako. Ipinikit ko na lang muli ang mata ko.
Hays, lil' sister.. I miss you!
..
Andito kami ngayon sa labas ng Mall ng mga Smith. Ang Taika's Mall, you heard it right? This mall is mine before, regalo sakin 'to ng real parents ko nung 7th birthday ko. That's why it is called "Taika's Mall" pinangalan ko to sakin. But now, I don't call it mine. Kase since tinakwil nila ako. Hindi na rin ako Smith at lahat ng ibinigay nila sakin ay binawi narin nila ng palayasin nila ako.
Napailing na lang ako sa mga naaalala ko.
"Done checking?" nabalik naman ang isip ko sa reyalidad. "Maganda right? Ngayon ka lang ba nakapunta dito?"
BINABASA MO ANG
Fearless Queen
Ficção AdolescenteAviona Reign Taika Smith, She was unstoppable not because she did not have failures or doubts but because she continued on despite of them. After all of this pain that happened in her life, she became fearless and stronger women. She became cold as...
