"Aviona's Pov"
Kitang kita ko ang gulat na reaksyon ni Ajay matapos kong maisalaysay ang lahat sa kanya.
Well? Sino ba namang hindi magugulat right? The person who you trust the most is the person who put you to this situation.
Yung inaakala niyang sobrang bait na tao ay siya palang talagang may kagagawan ng pagdurusa ko.
"Tai, I think, it's already time para ibaon mo na sa limot ang lahat ng paghihirap na magpasa hanggang ngayon ay dala dala mo pa rin." sabi niya habang hinahaplos ng marahan ang buhok ko.
Nanatili lang akong tahimik. "Tai." muling tawag nito sabay na itinaas ang ulo ko mula sa pagkakayuko.
Nakita naman niya ang ilan pang mga bahid ng basang luha sa aking pisngi na agad niyang pinunasan.
"B-bakit ganun jayi?" medyo garagal na tanong ko. Tiningnan naman ako nito na parang naghihintay ng sasabihin ko. "Bakit ganun ang mundo sa akin?.. Masama ba akong tao?" malungkot na tanong ko.
Bihira lang akong magsabi na mga gantong bagay at yun ay kapag hirap na hirap na talaga ako.
"No, of course not.. You're not a bad person lagi mong tatandaan yan."
"Eh, bat ganto? Bakit lagi na lang akong pinaglalaruan ng tadhana? B-bakit ganto ang mga nangyayari sa akin?"
"Kase alam niyang kaya mong lagpasan 'to. You're a strong woman. At alam kong malalagpasan mo din ito." nakangiting sabi niya. "Maybe, this is the sign Tai. Maybe, it's the time to free yourself from the burden of the past.. It's time for you to realize na hindi mo naman kasalanan ang lahat.. Wala kang kasalanan sa mga nangyari sa past Tai.. Hindi mo kasalanan ang pagkawala ng kapatid mo."
Pilit na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya bago ako nag salita.
"You think I should be happy kase nalaman kong hindi ko pala dapat sisihin ang sarili ko? Kase in the first place, ang mga taong kumupkop at nagmahal pala sakin ang tunay na may kasalanan sa lahat?""What I'm trying to say is that, you should free yourself. Wag mo sisihin ang sarili mo dahil hindi mo naman kasalanan ang lahat."
Muli akong napayuko. "It's my fault, kahit pa nalaman kong sinadya yun. Still, it's my f-fault... Kasalanan ko jayi, ka-salanan ko.. Kung h-hindi ko sana siya iniwan hindi sana siya susunod sakin, ay h-hindi..." unti unti na namang bumalik saking alaala ang mga pangyayari noon at hindi ko namalayang may mga luha na namang palang umaagos sa pisngi ko. "Hi-hindi sana siya mamamatay, hindi sana sila nakahanap ng tyempo para gawin ang binabalak nila."
"Shhhhh.." pagpapatahan nito sakin dahil sa biglaang paghagulgol ko. "Tai, hindi ka aasenso kung patuloy mo lang ikukulong ang sarili mo sa isang pangyayaring hindi mo naman ginusto. You have to grow Tai, focus on the present. Nandito kami na nag mamahal sayo, we are here to help you move ahead.. Nandyan pa ang tunay mong family na alam kong mahal na mahal kang talaga. At siguro nga niloko ka ng mga Lee but I know, at base sa kwento mo.. Hindi din nila ginusto ang lahat. Nagsisi sila at magbago dahil sayo.. Dahil minahal at tinuring ka na nila biglang tunay na anak Tai..".
"T-they killed my sister.. I suppose to hate them 'cause all this time, all this time kasama ko na pala ang mga taong matagal ko nang hinahanap. But damn this!!! Hindi ko sila kayang kamuhian kase deep inside, minahal ko na din sila at tinuring na magulang."
"Then follow what your heart says. Wag mong ipilit na magpaka bato ng puso. Dahil alam kong hindi ka naman talaga ganun. Forgiveness and acceptance is the key Tai... Yan lang ang pwede mong gawin para makalaya ka na."

BINABASA MO ANG
Fearless Queen
Genç KurguAviona Reign Taika Smith, She was unstoppable not because she did not have failures or doubts but because she continued on despite of them. After all of this pain that happened in her life, she became fearless and stronger women. She became cold as...