"Aviona's Pov"Napamulat ako ng mata ng maramdaman ang lamig sa sa kinahihigaan ko.
"Asan ako?" bulong ko sa hangin ng mapagtantong wala na ako sa kwarto.
Paano ako nakapunta dito?
Nasa gitna ako ng kalsada, sobrang dilim at walang maaninag na kahit ano.
Naglakad na lang ako kahit hindi ko alam ang patutunguhan ko. It's just like, I'm walking out of nowhere. I don't know how I came here, but all I wish is to get myself out of this place.
Napangiti ako ng makita ang mumunting liwanag mula sa Street lights. Hindi ako sigurado kung asan ako but I think, patungong Park ang daang binabagtas ko dahil narin sa mga bench na nasisinagan ng ilaw at ang punong may disensyo at palamuti.
It tooks a few minutes bago ko tuluyang marating ang lugar nato but finally, makakaupo din ako, kapagod kaya maglakad.
Sandali muna akong nagpahinga at ng makabawi na ako ng energy ay tumayo na ako. I need to go home.
Pinagmasdan ko ang buong paligid. This place looks familiar. Para bang nakapunta na ako dito. Hindi ko lang talaga matandaan kung kailan iyon nangyari.
Sandali akong napapikit sa biglaang pagsakit ng ulo. Bigla ko namang naalala ang kapatid ko. Namalayan ko nalang ang pagbagsak ng mga butil ng luha mula sa mga mata ko.
"Hey Little sis, listen to your ate." napamulat ako ng marinig ang boses na iyon. Pagmulat ko, iba na ang paligid. Ang kaninang madilim ay naging isang maaliwalas na lugar.
Napatingin ako sa dalwang babae sa harap ko. I was shocked ng marahan kong buksan ang mga mata ko.
It was m-me? M–myself? It's like a mirror of the past. Nakikita ko ngayon ang sarili ko along with my little sister.
Pinagmasdan ko ang buong paligid. Lahat ay masaya. "Where am I?" tanong ko sa sarili ko. I'm really confused right now. I can't understand anything. Bakit nakikita ko ang sarili ko way back 5 years ago. Is this a dream? If yes, I barely wanted to wake up!
Napatigil lang ako sa pag iisip ng mag salita ang bata sa harap ko. Ang ka-kapatid ko.
"Ate, iona, I want to come with you" her v-voice.. My little sister! Tuloy tuloy na ang pag agos ng luha mula sa mga mata ko. I tried to touch her but I can't.. Tumatagos lang ang kamay ko sa katawan nito.
"Don't worry little sis, I'll be back. Just stay here okay? bibili lang ako ice-cream sa kabilang kalsada" A 13 year old me said on my little sister. "Okay" my sister replied.
"No! Stop!!" pigil ko sa batang ako. "Please stop!!! Stop...... P-please!!" Halos mapaos paos na pagmamakaawa ko pero ano bang silbi nun? It's not worth it kase even how hard I tried to scream, hindi niya yun maririnig.
At this moment ay naiisip ko na ang mga pwedeng nangyari. Para bang nauulit na naman ang mga nangyari before, kaya kahit alam kong katangahan lang ang muling sumigaw at pigilan ang sarili kong tumakbo ay ginawa ko parin. Halos harangin ko na ang dinadaan niya but I'm powerless. Kahit anong gawin ko, alam kong hindi ko siya mapipigilan. Tatagos at tatagos parin ako sa katawan niya.
I'm so useless! Now I can see the little me (myself) running away on the other side of the road. And seeing that my little sister also runs papunta sa direksyong pinupuntahan ng walang kamuwang muwang na batang ako ay lalong ikinadurog ng puso ko.
Pumikit na lamang ako ng makita ang isang humaharurot truck na paparating sa kinaroroonan ng kapatid ko.
Then, the next thing I heard are all loud screams, maraming taong sumisigaw. Alam ko kung anong nangyari. Alam ko ang dahilan ng pagsigaw nila. Pero natatakot ako, I'm afraid to see it again. Ayokong makitang muli ang napakasakit na pangyayaring yun. But, I don't have a choice but to open my eyes.
Nakita ko na ang pangyayaring ito noon, pero mas masakit pala.. Masakit na makitang muli ang ganitong sitwasyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaluhod na lang ako at umiyak. Ang kapatid ko, wala na siya! At sa pangalawang pagkakataon ay wala na naman akong nagawa. I'm s-so-rry... S-sorry, I'm s-so useless.
Tila nanghihina na naman ang buong katawan ko. Ang mga tuhod ko ay nanginginig, ang mga paa ko sumasakit, hindi ko na magawa pang tumayo.
I-I'm sorry for being useless again! I'm s-sorry!
Napadako naman ako ng tingin sa sarili ko na tulala habang dala dala ang ice-cream. Mga ilang saglit lang ay humahangos na ito sa pagtakbo upang makalapit aa kapatid ko. I saw the pain and sorrows in her eyes while running towards my sister
Once again, Nakikita ko na naman ang sarili ko kung paano akong umiyak ng umiyak habang pinipilit na gisingin ang wala nang buhay na kapatid ko habang naliligo sa sarili niyang dugo.Sa sobrang frustrated ko sa nakikita ko. Napapikit nalang ako at hinahayaang bumagsak ang mga luha ko.
"B-bakit? Bakit siya p-pa? Bakit hindi na lang ako? Kasalanan ko 'to. Kung hindi ko siya iniwan hindi siya mababangga." umiiyak na hinagpis ko habang nanatiling nakaluhod.
Napamulat ako ng may maramdaman akong mga patak ng tubig mula sa unahan ko. Nang tingnan ko ito. D-dugo.. D-dugo ang mga ito. Nakaramdam naman ako ng malakas na kabog ng dibdib dahil sa sobrang kaba.
Saan nanggaling ang mga ito?
Dahan dahan kong nilingon ang pinanggagalingan nito. B-bata.. May bata sa harap ko at punong puno siya ng dugo. Napasigaw na lang ako ng sobrang lakas.
"AAAAAAAAHHHHHHH" sigaw ko. "Miss Viona, Miss Viona!!" Napamulat ako ng mata ng marinig ang malakas na katok sa pinto.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong panaginip lang yung kanina. "Miss!" sigaw mula sa kabilang pinto.
"Ate ayos lang ako." sigaw ko, at tumayo na sa kama upang buksan ang pinto.
"Miss, akala ko kung napano na po kayo eh, kanina pa po kayo sigaw ng sigaw."
"Ayos lang ako ate, luto na ba ang pagkain?" biglang tanong ko.
"Ah yes miss, tatawagin ko po talaga kayo para kumain." Nag ayos muna ako ng sarili bago bumama.
After dinner ay naligo muna uli ako bago humiga na uli sa kama.
I'm sorry for being useless again sister, pangako hahanapin ko ang hustisyang dapat mong makuha. Hahanapin ko sila, ang truck nayun, hahanapin ko any nag mamaya ari ng truck na yun.
-------------------------------------------------
Authors note:
Hello guys! Thanks for reading it. Don't forget to provide comments and votes. Thankyouuu!
Sorry for the errors, intindihin niyo na lang HAHAHAH loveyaahh all❣️
BINABASA MO ANG
Fearless Queen
Teen FictionAviona Reign Taika Smith, She was unstoppable not because she did not have failures or doubts but because she continued on despite of them. After all of this pain that happened in her life, she became fearless and stronger women. She became cold as...