Chapter 19-Kianna

883 83 6
                                    

"Raiden's Pov"

Nandito kami ngayon sa garden nagbabaka sakaling baka nakatulog lang dito si perez. Alam ko kaseng antukin din yun ang babaeng yun eh.

"Kuya, pahinga muna tayo." medyo hinihingal na sabi ni yasmin.

"Mukhang wala naman dito si Viona eh." mukhang pagod na talaga silang lahat ah.

"Salamat sa pagtulong niyo sa paghahanap sa bestfriend ko ha." nakangiting sabi ni Dixie.

"Wala yun.." nakangiting sabi ni kenzo.

"Oo nga, kaibigan din naman namin si Viona eh, kaya hahanapin natin siya okay?" segunda naman ni Vlaire.

"Thank you talaga pero... Alam ko namang pagod na kayo, kaya pwede na kayong umuwi ako na bahala dito.. Siguro sa ibang lugar naman ako maghahanap." sabi ni Dixie at tumayo na pero pinigilan ito ni Kairo.

"Sasama ako.." sabi nito. Napangiti naman si Dixie.

"I'll join." nagulat naman sila sa sinabi ko.

Bakit masama ba akong tumulong?

"Hindi ka pa ba pagod?" umiling naman ako. Ngumisi naman ito.

Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to?

"Kami nalang munang tatlo ang magpapatuloy sa paghahanap.. The rest maiwan dito at magpahinga muna okay?" tumango naman sila sa sinabi ko.

"Aviona's Pov"

Nagulat ako sa pagkakabasag ng vase. "T-teka, bat nabasag yan?" medyo alinlangang tanong ko sa batang babae.

Hindi naman kase yan mababasag ng basta basta lang. Imposible ring nasagi ko ito dahil may kalayuan ako ng ilang distansya dito.

"Ate siya may gawa nun." lalo naman akong kinabahan.

Oo hindi ako takot mamatay... Pero ayoko sa multo.

"B-bakit?"

Nagagalit ba siya? Pero bakit?

"Kase ate... Dito siya namatay."  

Damn this!! Dito namatay?!

Ughh! Ano ba 'tong napasok ko?!!

"Dito na-namatay? Ibig sabihin hindi lang ikaw ang nakulong dito?!" binaba ko muna si––

Teka?... Ano bang pangalan ng batang ito?

"Teka sandali.... Ano nga pa lang pangalan mo?"

"I'm ki-kianna.." sabi nito. Pansin na pansin naman dito ang pamumutla nito.

Kailangan na naming makalabas.

"Kaya mo pa ba?"

What a dumb question Viona!! Of course she can't...

"A-ate na-nahihilo na t-talaga ako." pagsabi niya nun ay lalo akong nataranta. Hindi ko alam gagawin ko.. Hindi ko alam paano makakalabas dito. "H-hin––—" hindi na niya natapos sasabihin niya dahil nawalan na ito ng malay. Agad ko naman chineck ang pulso nito.

Buhay pa siya.. Kailangan ko na siyang mailabas dito.

Damn! Tulungan niyo kami...

"Tulong!!! Tulong!!!" kahit alam kong katangahan ang ginagawa ko, sinubukan ko padin. "Tulong!!" halos mapaos na ako sa kakasigaw pero alam ko namang there's no sense of wasting my saliva just to scream dahil walang makakarinig sa akin.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon