Chapter 27-Protector

870 73 0
                                        

"Dixie's Pov"

Ayos na ngayon ang sitwasyon ni Reign. Maging ang doctor ay hindi maintindihan ang nangyari sa kanya. Stable naman daw kanina si Reign kaya't hindi maintindihan ng mga doctor kung bakit bigla na lang daw itong nag agaw-buhay.

First time lang daw na may nangyaring nabuhay muli ang idineklara na nilang patay. Kahit naman kami hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Sabi samin ng doctor ay sandaling huminto lang daw ang pag pump ng puso ni Reign at mabilis din daw itong bumalik. Possible daw na nangyayari nag mga ganung bagay sa mga pasyenteng talagang nag aagaw buhay na o kaya't may malalang karamdaman. Kaya nakakapagtaka daw talaga kung anong nangyari kay Reign. Pero syempre, sa lahat lahat ng nangyari kanina ay thankful parin ako dahil maayos na siya ngayon.

Umalis na nga din pala ang iba kanina, wala din naman silang gagawin dito dahil tatlo na kaming nagbabantay saka gabi nadin kaya pinauwi na lang sila ni Raiden at dumalaw na lang daw uli bukas.

"Raiden really change." out of the blue ay nasabi naman ito ng katabi kong si Kairo. Nagtatakhang napatingin naman ako dito.

"What do you mean?" sinenyasan naman niya akong tumingin sa tinitingnan niya.

Pasimpleng inaayos ni Raiden ang kumot ni Reign habang mahimbing na itong natutulog. Nakita ko pa ang paghawak nito sa kamay ng aking kaibigan na nakapagpangiti naman sa akin.

"Hindi naman ganyan si Raiden before."tahimik lang akong napatinging muli kay Kairo. "He's the kind of man na hindi basta basta umaatras lang sa mga kaaway, lalo pa kung babae ito." natawa naman ako. Eh ano pa si Reign? Kamatayan nga hindi sinasanto, lalaki pa kaya? "Isa kaya yung malaking insulto sa ego ng lalaki pero-" sandali naman itong napatigil at ngumiti habang pinagmamasdan ang bawat kilos ni Raiden. "Pero, kakaiba si Viona, siya lang ang kauna unahang babaeng nakagawa ng ganun kay Raiden.. Siya palang ang kauna unahang babaeng nakapag palambot ng batong puso ng lalaking yan."

"Eh Indenial naman yang kaibigan mo." biro ko kay Kairo. "Obvious na obvious namang may gusto yan sa bestfriend ko eh." natawa naman siya."Bat ka natawa diyan? Eh totoo naman." inirapan ko naman ito. Nagulat ako ng bigla ako nitong hilahin upang yakapin. Yieeeee kilig ako haha!

"How do you feel now?" tss, galing talaga nito mag shift ng topic. "Ayos ka na ba?" tumango naman ako. Bigla naman nitong pinisil ang magkabilang kong pisngi na kinainis ko. "Babe." seryoso naman akong tinitigan nito. Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Mukha ka nang monster!" anak ng tipaklong naman oh! Binatukan ko naman ito agad na lalong ikinatawa nito.

"Dixie." naagaw naman ni Raiden ang atensyon ko ng bigla ako nitong tawagin.

"I'm just confused," unti unti naman itong Lumapit sa sofa na kinaroroonan ko. "Why did you call her Reign?" kunot noong tanong nito. Ay anak ng-narinig niya yun?! Sh*t! Kanina ko pa nga pala binabanggit yun!

"A-ah, eh..." ano idadahilan ko? Lagot ako nito kay Reign pag nagising yun! Napatingin naman ako sa kanila na halatang naghihintay ng sagot ko. Alam ko na!!

"A-ano kase, endearment ko kase yun sa kanya. Nakilala ko kase siya nung time na umuulan hehe, kaya Reign ang tawag ko sa kanya." sana maniwala! Sana maniwala!!

"Bat parang ngayon mo lang naman ata tinawag na Reign si Perez? Usually kase Viona." sheteng kambing naman oh! Napaka matanong naman ng lalaking ito. Ano ba idadahilan ko myghad!

"A-ah, kase.. A-ayaw niyang tinatawag siyang Reign. Pangit daw kase." maconvince ka namang lalaki ka.

Sandali pa itong napaisip bago ngumiti. "Ah, ganun ba? Akala ko kase may second name siya." napapakamot sa ulong sabi nito. Hays, thank God! Naniwala din ang isang 'to.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon