"Dixie's Pov""Boss, sabi ni madam pakainin daw ang bihag."
"Gisingin niyo na yan!"
"Ah, boss, bilin din pala ni madam na huwag daw sasaktan ang babaeng ito."
Nagising ako dahil sa malalakas na boses na naririnig ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
Asan ako? Bat ako nakakadena.
"Boss, gising na siya!" sabi nung matabang lalaki na nasa harap ko.
"Sino kayo? Asan ako?" galit na sigaw ko. Tatayo sana ako ng mapansin ko ang bigat sa dalwang braso ko. Sh*t!
"Miss, wag mo nang tangkain.. Dahil hindi mo masisira yan." sabi nung lalaki na tinatawag ni lang boss. Apat silang lalaki na nandito, dalwang lalaki ang nasa harap ko at ang dalwa ay nakaupo sa may lamesang hindi kalayuan sa kinalalagyan ko.
"Hoy! Ben dalhin mo dito ang pagkain nito." utos nung boss nila sa isa sa mga nakaupo.
Lumapit naman ito dala dala ang isang tray na may lamang mga pagkain. Nilapag nung Ben yung pagkain sa sahig na kinatatayuan ko.
"Kumain kana!"
"Paano ako kakain kung naka kadena ang mga kamay ko?" mataray na tanong ko.
"Problema mo na yun!" sigaw nung boss nila na mukhang unggoy. The heck!
Sinipa ko naman ang tray nayun. At tumalsik ang pagkain sa boss nila.
"Matapang ka ha.." ughh! Napasuka naman ako ng dugo ng sikmuraan ako nung unggoy nayun. "Pasalamat ka at binilin ng boss ko na wag kang sasaktan."galit na sigaw pa nito.
"S-sino ba kayo ha?" kahit medyo nahirapan ako magsalita dahil sa pagkakasuntok sakin ay pinilit ko padin mag sisigaw. "T-tulong.. Tulu-ngan niyo ako!!"
Nagulat ako ng biglang hablutin nung mukhang unggoy yung baba ko. "Hoy babae, wag ka ng sumigaw ng sumigaw dahil walang ibang makakarinig sayo dito."
And by that ay iniwan na nila ako. At bumalik na sila sa isa pa nilang kasamahang lalaki na nakaupo.
Reign, I need you..
"Aviona's Pov"
Asan na ba si Dallas?
Nag-aalala na kase ako dito. Pasimula ng makaalis siya ng condo ko ay hindi ko na siya muling nakausap. Hindi din siya pumasok ng buong subjects. Hindi ito ugali ni Dallas kaya alam kong may nangyayaring kakaiba.
Naglalakad ako patungo sa VIP Room ng top 10. Wala naman akong balak manggulo, gusto ko lang malaman dun sa Kairo kung nakausap niya si Dallas.
"Kenzo's Pov"
"Kenzo, pwede ba tigil-tigilan moko sa kakulitan mo." sungit naman ng mahal ko. But she's still cute.
Actually, hindi pa kami ni Vlaire. Ewan ko ayaw niya pa ako sagutin. Pero I'm willing to wait.
"Baby... Dali na, date tayo mamaya."
"Shhh.. Wag ka ngang maingay Kenzo. Nanonood ako di mo ba nakikita?" sigaw ni Vienna na katabi lang ni Vlaire.
Nagkatinginan kaming lahat, bago sabay-sabay na tumingin sa pinto ng marinig ang katok mula rito.
Tumayo naman si Drake at binuksan ang pinto. Nagulat kami ng makita kung sino ang kumatok.
![](https://img.wattpad.com/cover/218430079-288-k598363.jpg)
BINABASA MO ANG
Fearless Queen
Teen FictionAviona Reign Taika Smith, She was unstoppable not because she did not have failures or doubts but because she continued on despite of them. After all of this pain that happened in her life, she became fearless and stronger women. She became cold as...