Chapter 28-Letter

815 64 5
                                    

"Aviona's Pov"

"Ano ayos ka na ba?" mataray na tanong ni dallas. Galit padin siya. Hays..

"Sorry." napayuko ako. "Sorry, hindi ako nakauwi ng safe.. Gaya ng pangako ko." narinig ko naman ang malalim na buntong hininga nito.

"Reign, ano ba talagang nangyari? Kase alam mo, sa totoo lang gulong gulo nako!" Inis na sumbat nito.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Ako din naman naguguluhan dallas, ako din!

"Si tita ang mastermind sa lahat ng nangyayari." Sana nga siya lang. Naalala ko naman ang bilin ni mom sa panaginip ko.

"Go to our room sweetie and you'll see the answers."

"Don't tell me--Siya rin ang dahilan kung bakit ka nakagapos sa field?" sa totoo lang hindi ko talaga alam, wala akong natatandaan sa mga nangyari.

"Well, maybe." maikling tugon ko.

"Ano maybe?! Hindi ka sigurado?!"

"Dallas, gusto ko na munang umuwi." Gusto ko na muna ng umuwi, gusto ko munang malaman ang totoo, kung ano ba talagang totoo kase kahit ako, gulong gulo nadin sa buhay ko.

"Fine! Hindi na ako magtatanong, pero I'm always here for you, wag mong kakalimutang tawagan ako ha?" medyo Inis niya paring paalala na ikinangiti ko.

"Just trust me." niyakap naman ako nito. Siya na lang ang nag iisang pamilyang meron ako. Kaya hindi ko hahayaang madamay na naman siya sa gulo ko. "May hihingin akong favor." kumalas naman ito sa pagkakayakap. "Uuwi ako sa Mansyon mamayang gabi, hindi mo na kailangang mag alala sakin dahil natawagan ko na si Secretary Min para sunduin ako.. Baka matagalan ako sa pag balik ng school kaya, ikaw na bahalang magpalusot kung anong ginagawa ko at kung nasaan ako."

Natawa naman ako ng mapakamot ito sa ulo. "Ano bang gagawin mo sa Masyon? Bat kailangang matagalan?"

"I'll explain everything to you kapag sigurado na ako sa lahat. But for now, all you have to do is to trust me." malungkot na paliwanag ko. I know na gulong gulo na siya, pero mas gulong gulo ako.

"Fine! Basta ha, ang cellphone, laging dalhin okay?" tumango naman ako. "Sigurado ka bang okay kana?" tanong nito na parang chinecheck pa ang buong katawan ko.

Natawa naman ako. "Ano ba, syempre naman! Saka duh! Two days na kaya akong nakakulong sa kwartong ito." palatak ko naman na may pag irap pa.

"Hindi ka naman kinukulong, pinagpapahinga ka lang." Natawa nadin ito.

"Tss, napaka epal kase nung walanghiyang Raiden nayun. Ultimo pag cr ko nakabantay myghad! Akala mo naman tatakas ako, eh wala namang lulusutan sa cr!"

"Dixie's Pov"

Natatawa ako sa reaksyon ngayon ni Reign. Halatang inis na inis kay Raiden.

"Ugh!! Bwisit talaga! Alam mo ba yun? Kulang na lang sapakin ko yung kumag na yun ng matauhan eh!" galit na galit na sumbat nito.

"Bat nga ba hindi mo sinapak?" napatigil naman ito. Pfftt!

"Ugh!! nevermind! By the way, wag na wag mong masabi sabi sa kumag nayun kung asan ako, remember the secret." seryosong paalala nito. Tss, kanina lang inis na inis.. Bilis talaga magbago ng expression nito.

"I know, kaya don't worry, hindi ko sasabihin yun kay Raiden." kung alam mo lang Reign, ayaw niya ring manggaling sa akin ang lahat.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon