Chapter 37-What Friends Are For

749 43 0
                                    

"Dixie's Pov"

Pinagmasdan ko na lang si Reign habang palayo samin ng palayo.

I'm sorry reign..

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I won't let anyone mess up with my bestfriend.

Isinantabi ko muna ang mga luhang kanina pa gustong pumatak. Hinintay ko muna mawala ang pangingilid ng mga ito bago ako nagsalita.

"I'm so disappointed to all of you sana aware kayo dun." malamig na sabi ko.

"Sorry." nagpintig naman ang tainga ko ng marinig ito mula kay Vienna.

"Mababalik ba ng sorry mo ang mga nasabi niyo?" nanatili lang akong walang emosyon.

Padabog na tumayo naman si Ajay at lumabas nadin.

Alam kong hindi kayang tumagal ni Ajay sa mga gantong tao. Masyadong toxic.

"Oh bat hindi kayo ngayon makasagot? Asan ang mga tapang niyo kanina?" nang aasar pang tanong ko.

"Ano pa bang gusto mo?" mahinang tanong ni vlaire. Hindi ko alam kung sarcastic ba yun o kung ano man.

"Well, wala. Wala naman talaga akong gustong makuhang kahit anong sagot mula sa inyo. I already heard everything kanina. Nakakadisappoint lang alam niyo yun? Kanina ko pa sana gustong makielam kaso nakangiti lang samin si Reign at ayaw niyang makielam pa kami. Pero ngayong wala na siya oras na siguro para ako naman ang magsalita diba?" pinagmasdan ko sila isa isa.

"First of all, mabuting tao ang kaibigan ko. Kailanman ay hindi pa niya nagawang pumatay. But for some reason, hinusgahan niyo agad siya. Ako nga na bestfriend, hindi din alam ang mga nangyayari lately but I never force her to say anything. You know why?" tanong ko sa kanilang lahat pero nanatili ang mga mata ko kay Vienna. "Because I trust her."

"We do trust her." napaawang ang labi ko sa sinabi ni Vienna.

"Oh, really?" I sarcastically said.

"Nabigla lang kami sa mga narinig namin, but we didn'tean anything." paliwanag ni Drake.

"Oh, come'on guys! Don't make me stupid here." medyo pasigaw na sabi ko.

"We are not making you stupid, ikaw ba naman ang makarinig ng ganung confession, ano iisipin mo? We saw how Mrs. Smith cried in front of Viona. Ano sa tingin mo iisipin namin?" taas kilay na sabat ni vlaire.

"Medyo may point ka naman. Siguro 30 out of 100% ang possibilities na pwedeng ganun nga ang ginawa ni Reign kaya ganun makareact si Mrs. Smith." tatango tangong pagsang ayon ko. "But, didn't you all think na parang masyado namang kabaliwan ang biglang pag confess ni Reign ng ganun kung totoo man yun?" seryosong sabi ko.

"Smith family is known as the top 1 richest family in the whole word. Do you think they're too stupid to let some strangers to mess up in their family? Diba hindi?" seryosong pa ding dagdag ko. "But, don't worry it's over. Kaya hahayaan ko na lang yun at kakalimutan." nakangiting sabi ko.

Kita ko naman na nagliwanag ang mga mukha nila.  "And by the way, kasabay ng paglimot ko dun ay ang paglimot ko din sa inyo. Let's just go back of what we were before. We're like strangers right? So be it again. Stop messing up with us and I promise to not also mess up with all of you. Hindi ko kayang nakikitang paulit ulit niyong hinuhusgahan ang kaibigan ko."

"But, hindi naman namin intensyong awayin kayo. We just want to know everything." seryosong sambit ni Kenzo.

"We're sorry." nakayuko namang paumanhin ni Kairo na ngayoy katabi ko lang.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon