"Aviona's Pov"
Andami kong naririnig sa paligid.. Pero isang boses lang ang lumutang sa pandinig ko. Isa itong hikbi, hindi ako pwede magkamali kay dallas yun. I was about to check her pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.
"She's awake! Omg!! She's awake!" tila masayang balita ng isang babae sa harap ko.
Ano bang sinasabi nito?
Minulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko, pero nanatili paring blurd ang paningin ko. Sobrang sakit ng likod ko, I mean ng buong katawan ko. Para akong sumabak sa isang napaka laking gulo.
"What are you feeling? Are you okay? What?!" napaka kurap pa ako ng ilang beses bago tuluyang makita kung sino ang nasa tabi ko.
"V-viona!" humahangos na takbo ni dallas. "Are you alright? Ano nararamdaman mo?" aligagang tanong nito.
"Of c-course, I-I'm fine." sagot ko dito.
Ano bang problema ng mga 'to? Saka asan ako?
I was about to stand pero muntik na akong masubsob dahil sa biglaang paggalaw ko. Buti na lang at mabilis akong naalalayan ni Raiden. Sinubukan kong tingnan kung ano ang nangyayari sakin at nakita ko na lang ang sarili kong nakagapos ng kawad.
What the hell?! Sinong stupida naman kaya ang nag gapos sakin ng ganto?
Ughh!!
Naramdaman ko naman ang sobrang pananakit ng ulo at buong katawan ko kaya mariin akong napapikit.
"Kairo? Asan na ang medics?!" natatarantang sabi ni Raiden. Pinilit kong labanan ang mga nararamdaman kong sakit. At tiningnan ko si dallas na tahimik na lang ngayon at titig na titig sakin.
I'm sorry dallas!
Hingal na hingal naman sina Drake na lumapit sakin habang dala dala ang plies. Dahan Dahan nilang pinuputol ang mga kawad na nakagapos sakin. Napapapikit naman ako sa sobrang sakit ng ginagawa nila.
Nakahinga naman ako ng mas maayos nang mawala na ang gapos na sumasakal sa buong katawan ko. Agad kong sinubukang tumayo para sana lumapit kay dallas. Pero tila ayaw makisama ng katawan ko. Para bang sa sobrang tagal kong nakagapos ay hindi ko na magawang igalaw ang mga ito.
"Wag mo nang subukan, hindi mo pa kaya." tila Inis na sabi ni Raiden.. Pero nagmatigas ako.
"K-kaya ko."
Pinilit kong igalaw ang mga paa ko. Sinubukan ko muling tumayo. Pero tila ang ulo ko naman ang hindi nakikisama.. Lalong umikot ang paningin ko.
Hindi ko na kaya!
Pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, ay nakita ko si mom na nakatayo sa hindi kalayuan samin.
Mom!!
"Raiden's Pov"
Nasalo ko naman agad si Perez nang bigla itong mawalan ng malay.
Tss, tigas tigas kase ng ulo!!
Mga ilang minuto lang ay dumating na din ang medics. Kapansin pansin naman ang pananahimik ni Dixie, Samantalang kanina kung makahagulhol wagas.
Ako na ang nagbuhat kay Perez at inihiga sa stretcher. Ako lang din ang kasama niya dito sa loob ng ambulance.
Stubborn girl!.. Bat kase ang hilig hilig pumasok sa gulo?!
Hinawi ko naman ang kaunting buhok na nakaharang sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
Fearless Queen
Teen FictionAviona Reign Taika Smith, She was unstoppable not because she did not have failures or doubts but because she continued on despite of them. After all of this pain that happened in her life, she became fearless and stronger women. She became cold as...