"Aviona's Pov"
Nagising ako dahil sa mga kaluskos na nararamdaman ko malapit sa akin. Unti unti kong minulat ang aking mata at nakahinga ng maluwag ng mapagtantong si Raiden lang pala ito may inaayos sa mesa ko.
Tiningnan ko ang phone ko 6 am na pala, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Napalingon naman sakin si Raiden. "Oh! You're awake, dinalhan na kita ng food for breakfast kase alam kong malilimutan mo na namang kumain." sabi nito sabay ngiti sa akin.
"Thank you! Btw, kanina ka pa ba? Anong oras ka na nakauwi kagabi?" sunod sunod na tanong ko. Hindi ko na kase alam at nakatulog na ako.
"Around 1 am na siguro tinapos ko na basahin pati yung sayo, pipirmahan mo na lang sila." nakangiti pang saad nito. Hindi ko alam kung bakit pero parang masaya ako ngayon dahil sa sinabi niya.
"Sorry nakaabala pa ako, sana ginising mo na lang ako." medyo nahihiyang sabi ko.
Myghadd Vionaa!! Nahihiya ka na pala ngayon?
"No, don't be sorry. It's fine. Sige na mag ayos ka na muna ng sarili mo then sabay na tayo kumain." tumango nalang ako at pumasok na din sa cr.
Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ganto ko ba sobrang naappreciate yung ginawa niya? Whoooo! Viona, wake up!!
Pagkatapos ko namin kumain ay pinauna ko na siya sa klase niya kase kailangan ko pang piramahan ang lahat ng ito.
--
Lunch break ngayon kaya napag isip isip kong lumabas na ng office at sumabay sa kanilang mag lunch tutal tapos nadin naman ako sa mga task ko.Tahimik lang akong naglakad sa hallway habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng lugar na nadadaanan ko. Hanggang sa bigla nalang may bumangga sakin. Napasinghap ako dahil sa sakit ng bagay na biglang tumusok sa tagiliran ko at ng lingunin ko ito ay nakita kong may umaagos ng dugo dito. Hindi ko ito pinansin at binalingan ang bumangga sakin.
"Hey!" medyo inis na suway ko dahil sa bagay na tumusok sakin.
I don't even know kung ano ang tumusok sakin. All I know is imposibleng d sinasadya ng lalaking to iyon. At myghadd lang! Sa dami dami ng parte ng katawan ko, paborito talaga nilang targetin ang tagiliran ko.
Ngunit imbis na sumagot naman ang lalaki ay mabilis ako nitong tinulak at tumakbo palayo. Agad din naman akong tumayo ngunit mabilis itong nawala sa paningin ko.
This school is dangerous!
"Someone's Pov"
Mabilis akong nagtago sa may malaking puno na hindi kalayuan sa hallway ng makita kong naglalakad at palinga linga ang babaeng target ng boss ko.
Agad kong kinuha ang phone ko at nagdial. "She's here, be ready." may awtoridad na utos ko at pinatay nadin agad ang tawag.
Natanaw ko naman ang tauhan ko na papalapit na sa kaniya. Mabilis nitong binangga ang babaeng nagngangalang Aviona. Hindi ko sila naririnig pero alam kong kinompronta na siya ng babae kaya't mabilis niya itong itinulak at tumakbo na palayo.
Nakita ko naman ang pagbangon ng babae ngunit wala narin siyang nagawa kundi habulin nalang ng tanaw ang lalaking nakalayo na.
Pinagmasdan ko itong mabuti at napangiti ako ng makita ang pagdurugo mula sa tagiliran nito.
Muli ay nagdial ako ng number sa phone ko. "Hello boss." bungad ko dito.
"Nagawa mo ba ng maayos ang pinag-uutos ko sayo?" walang ganang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Fearless Queen
Ficțiune adolescențiAviona Reign Taika Smith, She was unstoppable not because she did not have failures or doubts but because she continued on despite of them. After all of this pain that happened in her life, she became fearless and stronger women. She became cold as...