"Aviona's Pov"
It's been 12 midnight since I decided to go back again in the place where I found kianna and that damn body. I need an answers and I know na dito ko lang makukuha ang sagot nayun.
Isa isa kong ininspeksyon ang bawat detalyeng mayroon ang lugar na ito.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang kwarto na malayo sa kwartong pinagkitaan ko kay kianna and Sophia.
Dahan dahan kong pinihit ang door knob, and thank god dahil hindi ito nakalock.
The smell, the designs, it looks really familiar on me. Para bang nakita ko na ito dati. Pero hindi ko lang maalala kung saan.
Nilapitan ko ang mga kabinet dito at agad naghanap ng mga ebidensya. Hinulungkat ko din maging ang mga drawers. Saglit akong napatigil sa picture frames na nakita ko.
No, this can't be......
Halos mabitawan ko naman ang mga ito. Kaya pala familiar ang lugar na ito. Kase gantong ganto ang kwarto nila mom sa mansion.
How could they hide this on me? I thought they're good? I thought they love me?
Bakit nagawa nilang manakit?!
Pero patay na sila, imposibleng sila parin ang nagpapatakbo nito... Pero kung hindi sila? Sino?!
Sobrang daming tanong ang lalong nagpagulo sakin.
Nakarinig naman ako ng mga tinig at yabag na papalapit kaya't agad kong ibinalik ang mga letrato at agad nagtago sa ilalim ng kama.
May ibang tao! Pero pano sila nakapasok? Kung asa akin ang control button?
There must be another way out here.
"Boss, what are you planning now? I'm sure na hindi magtatagal at malalaman din ng pekeng pamangkin mo ang lahat." narinig kong sabi ng isang lalaki.
Hindi ko nakikita ang mga mukha nila, tanging mga paa lamang ang nasisilip ko mula sa masikip na pinagtataguan ko.
"Matalino ang batang yun, no wonder na isa talaga siyang Smith."humalakhak naman siya.
That voice!!!
It couldn't be——
Tita Aileen?
But, how come alam niya na isa akong Smith?
"Patayin ko na ba boss?"
"No, let her live. Gusto ko muna siyang pahirapan ng paunti–unti hanggang siya na mismo ang sumuko." halos gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan ko ngayon.
I barely want to punch her! How could she? She killed my parents–her own sister!!!
"Papakinabangan ko pa siya, and after all, asa kanya lahat ng ari-arian ng mga Lee.. Kailangan ko munang makuha ang dapat na sa akin." muli na naman itong humalakhak.
This women is crazy!! Hintayin mo lang makakaganti din ako!
"Boss, wala na dun yung bata.." tila hinihingal na sabi ng kadadating lang na lalaki. Tauhan niya siguro ito.
"What?!! Anong nangyari? Panong wala?!" sigaw naman ni tita Aileen.
"B-boss, hindi namin alam. Pero, sira na po ang pinto. Maging ang kwartong pinaglagyan namin ng bangkay, wasak nadin." napangiti naman ako. Siya pala ang may pa kana ng lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Fearless Queen
Teen FictionAviona Reign Taika Smith, She was unstoppable not because she did not have failures or doubts but because she continued on despite of them. After all of this pain that happened in her life, she became fearless and stronger women. She became cold as...