Chapter 33- Can I Court You?

920 53 6
                                        

"Aviona's Pov"

Tinulungan ako ni dallas na linisin lahat ng kalat na ginawa ko. Hapon na din ng matapos naming ligpitin ang lahat ng mga yun. Ginamot nadin niya ang sugat ko sa kamay at nilagyan ng bandage.

I'm really lucky na naging kaibigan ko ang babaeng 'to! Siya lang ang kaisa isang taong nagawang tumagal sa buhay ko. Dalawa sila noon, kaso iniwan ako eh. Bumalik nga, pero ewan! Ayoko pa siyang kausapin.

"Ayos ka na ba talaga?" ngumiti naman ako dito at tumango. "Alam ko hindi pa, kaya wag mo na akong ngitian diyan."

"Magiging maayos din ako dallas. Not now, but I hope soon." muli ako nitong niyakap.
"Don't hesitate to call me ha? Darating ako kahit anong oras pa yan."

"Yes madam!" pang iinis ko dito. Inirapan naman ako nito na ikinatawa ko. "Just kidding, oo na. Papahangin lang ako sa garden, pumunta kana muna sa Vip room."

"Take care." huling sabi nito bago tuluyang umalis. Ako naman ay pumunta nadin sa garden.

As usual, balik sa dati na tambayan uli ako.

Pagkadating ko ay naabutan ko si Raiden na nasa taas ng puno natutulog.

Ano ba yan? Inunahan ako ng kumag nato!!

Wala naman akong intensyong gisingin pa siya, kaya sa baba nalang ako ng puno. Sumandal ako dito at tumingala.

Maitim na ang mga ulap, mukhang uulan ata ngayon ah. Nakikidalamhati sakin.

Napabuntong hininga na lang ako bago pumikit. Pahinga na lang muna siguro ang kailangan ko ngayon.

..

"Raiden's Pov"

Naalipungatan ako bigla ng may dahong dumait sa mukha ko. Chineck ko phone ko 5 pm na pala, mahaba haba din pala ang naging tulog ko.

Bababa na sana ako ng makitang andun si Perez at mahimbing na natutulog. Dahan dahan naman akong kumilos para makababa ng hindi siya naiistorbo.

Pinagmasdan ko ang buong mukha nito. Ano bang nangyari sayo Perez? Hindi ako sanay na nakikita kang ganto! Asan na ang maangas na babaeng nakilala ko?

Halatang pagod ang itsura niya ngayon, pugto ang mga matang namumula mula pa. Umupo ako sa tabi nito. Kinuha ko ang ulo nito at isinandal sa balikat ko. Hinayaan ko muna siyang matulog sa balikat ko, yun lang ang maibibigay ko sa kanya ngayon.

Maya maya lang ay dinalaw na muli ako ng antok kaya pumikit nadin ako.

"Dixie's Pov"

"How is she?" tanong sakin ni Vlaire. Lahat naman silay tila nag aabang ng sagot ko.

"She's not actually fine." malungkot na sagot ko.

"Ano bang nangyari dix?" this time si Kairo naman ang nagtanong. Tinap pa nito ang balikat ko na parang ipinapahiwatig na everythings gonna be fine.

"I'm sorry guys, pero wala ako sa lugar para magsalita."

"Naiintindihan namin, maghihintay na lang siguro uli kami ng tamang oras."

"She's right, we can wait." nakangiting sambit ni vienna. "Yun ngang nalaman naming isa siyang Lee, gulat na gulat na kami, what more kung may revelation pang mas mahirap mapick up diba? Baka sumakit pa ulo namin kakaisip kaya maghihintay na lang kami."

Napangiti naman ako sa tinuran ni yasmin. "There's a time for everything guys. Basta nandito lang kami para kay viona. Simula ng naging part sa ng friends nato, naging part nadin siya as a family samin." nakangiting sabi naman ni Drake.

Fearless QueenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon