Chapter 31-Message

863 44 0
                                    

"Raiden's Pov"

Ano bang problema ng babaeng 'to? Hilain ba naman ako sa kung saan.

"Alis na ako, bye!" hinihingal na sabi nito pagkatapos akong kaladkarin.

"Hoy babae! Hihila hilain mo ako dito tas iiwan moko bigla?" sigaw ko dito.

"You're too loud! Magkatabi lang tayo oh!" walang ganang sabi nito.

"Bat mo ba ako kinaladkad dito?"

"Akala ko poprotektahan moko?" napatigil naman ako sa sinabi nito.

"Oo nga." Ano namang connect nun?

"Then, you just did it kanina. Hinila kita para protektahan moko." paliwanag nito na ikinakunot naman ng noo ko. "Tsk, nevermind." inirapan ako nito at tumalikod na. "Anyway, thankyou pala. Bye!" naiwan naman akong clueless dito sa kinatatayuan ko.

"She's really crazy!" napailing na lang ako at lumakad nadin paalis.

"Aviona's Pov"

Bumalik na ako sa office ko. Gusto ko munang mag pahinga ngayon. Masyado pang mainit ang isyu ngayon tungkol sakin. Ayoko na munang makarinig ng mga bulong bulungan.

Pagkadating ko sa office ay agad akong napasalampak sa couch.

Whooo! Nagsisimula pa lang ang araw pero andami ng nangyayari. Una, nalaman na ng lahat na ako ay isang Lee. Pangalawa, ang biglang pagsulpot naman ni Ajay. At isa pa si dallas! Tinutulungan pa talaga si Ajay, damn!

I was about to close my eyes when I remembered the letter. Sh*t! Isa pa pala to sa problema ko.

Isang letter na hanggang ngayo'y hawak hawak ko padin. Ano kayang totoo sa sulat nato?? Hays.. I leave a heavy sigh before I start opening it again.

Dear Sweetheart Viona,

Anak, alam mo namang kahit hindi ka namin tunay na anak ay hindi namin ipinaramdam sayong iba ka samin. Mahal na mahal ka namin ng dad mo! Ikaw ang nagpabago ng buhay namin, ikaw ang nag iisang prinsesa sa buhay namin.

Pero sweetie, humihingi ako ng tawad sayo sa lahat ng mga kasalanang nagawa namin sayo, at sa pamilya mo.

Sana mapatawad mo pa ako sa kung ano man ang mababasa mo dito...

Kinakabahan ako, I don't know why, pero nasesense ko na na hindi maganda ang lamang nito.

Anak, hindi nagkataon lang ang pag ampon namin sayo. Right from the start ay plano na namin ang lahat ng ito. We did this to make your parents suffered more than they do nung namatay ang kapatid mo. We did this for a purpose, at yun ay ang patayin ang parents mo.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Isa isang nagbabagsakan ang mga patak ng luha ko sa papel na hawak ko.

So, all this time.. All this time ginamit lang pala ako? Damn!! Ganun na ba ako kawalang kwenta para gamitin na lang? I thought you both loved me?.. But why? Bakit niyo ako ginamit?..

Nagsisimula ng mas sumikip ang dibdib ko. Kahit hirap at takot ay pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa.

Pero nagbago na ang lahat ng makasama ka na namin sweetie. Binago mo kami, you made us changed just for you. Minahal ka namin ng tunay. Even if we're not in the same blood ay itinuring ka naming tunay na anak. At yun din ang dahilan kung bakit nasira kami ng kapatid ko.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon