Chapter 34-I'm Sorry Tai

824 40 1
                                    

"Aviona's Pov"

Napabalikwas ako ng higa ng marinig ang tunog ng phone ko.

Sasagutin ko sana kaso biglang namatay. 35 missed calls from unknown number? Hmmn!

Sino naman kaya 'to? Tawagan ko kaya, baka importante. Tsk, nevermind, baka isa lang to sa mga nagbibigay ng death threats.

Napadako ang tingin ko sa oras sa phone ko. 9pm na pala, tagal tagal din ng ipinahinga ko.

Sariwa parin sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Naging masyadong mahaba ata ang araw nato, masyadong nakakapagod hays.

Unknown number is calling..

Sino ba 'to?

"Hello? Who's this?" agad na bungad ko. Pero wala akong narinig na sagot. Naghintay muna ako ng limang segundo bago muling nagsalita.

"Hello?!" medyo iritado ko ng tanong. "Hello? Baka may balak kang magsalita?"

"H-hello tai." hindi ako pwedeng magkamali, si Ajay ang kausap ko ngayon.

"A-Ajay?"

"Can we talk?" Ano naman kayang kailangan niya? Sh*t! Naalala ko nagtatampo nga pala ako sa kanya.

"We're already talking." kunyareng pagtataray ko.

"Tai, wag mo na akong tarayan, usap naman tayo."

"What do you want to say?" walang ganang tanong ko. Naiinis ako sa kanya pero at the same time gustong gusto ko na talaga siyang yakapin dahil sa matagal niyang pagkawala.

"Asa office kaba? Sunduin kita ha? Bye!"

"N-tooot.. Toooot." bwisit!! Pinatayan ako ng phone. Mukhang wala akong choice kundi ang kausapin na siya.

Ilang minuto lang ang lumipas at may kumatok na sa pinto. Tiningnan ko muna ito ng ilang saglit bago tuluyang lumapit at binuksan ito.

"Ajay's Pov"

Napangiti ako ng makita ang paggalaw ng pinto. She opened it!

"Anong kailangan mo?" nakasimangot na bungad nito sakin.

Napatawa naman ako sa inasta nito. "Bored na bored ka talaga pag nakikita ako ano?" natatawang sabi ko pero ang totoo masakit talaga.

"Drama mo! Ano bang pag uusapan natin?" Inis na tanong nito at nag iwas ng tingin.

"Kamusta ka na?" seryosong tanong ko.

"I'm perfectly fine."

"I think you're not." sabi ko habang pinagmamasdan siya. "Wag mo nang itago yang kamay mo." pansin ko kase kanina niya pa itinatago sa likod ang kamay niyang may benda.

"A-ano bang sinasabi mo? Hindi ko naman to tin-" hindi ko na hinintay pang tapusin ang palusot siya dahil agad kong hinila ang braso nito.

"Ano pala 'to?" taas kilay na tanong ko. "You can't fool me tai."

"Ano ba kaseng sasabihin mo? Say it! Stop wasting my time!" medyo nagtaas na ang boses nito na ikinabigla ko kaya napayuko ako. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang s-sigawan ka."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Hinila ko siya papalapit sakin at niyakap. "I'm s-sorry tai." tanging nabanggit ko at hindi namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon