Chapter 18-Aviona is Missing

899 83 5
                                    


"Aviona's Pov"

"Aaah!" napasigaw ako sa gulat ng bigla gumulo ang kinatatayuan ko. Nakaupo ako ngayon sa pinagbagsakan kong sahig.

Damn! Ang sakit ng mga binti ko. Nabalian pa ata ako kainis!!!

Mas ikinagulat ko pa ng biglang magsara ang kaninang gumuhong lupa sa itaas ko.

Ughh! Pano ako lalabas dito?!..

Agad kong kinuha ang phone ko. "Shocks! Walang signal?! Myghad!" Inis na sabi ko sa sarili ko.

Bwisitt!! Ughhh!

Napatigil ako sa pagsigaw ng marinig ang mahihinang hikbi.

Teka, may tao? Asan ba ako?

Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong paligid.

Basement? May basement dito pero hindi ko alam? Mukhang madami pa akong hindi alam sa school nato.

"Is anybody here?" medyo kinakabahang tanong ko ng muling marinig ang mahihinang hikbi.

Agad kong tinatahak ang daan kung saan ko naririnig ang mahihinang hikbi. "Ahmm, hello?.. May tao ba diyan?" nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Patuloy padin ang mga hikbing naririnig ko. Mas lumalakas ito sa paglapit ko. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang kwarto.

"May tao ba dyan?.. Hello? Kung oo, sumagot ka naman" tanong ko habang kinakatok ito. Nakarinig naman ako ng malalakas ng kalabog mula sa loob ng kwarto.

Ito ba ang tinutukoy ng babaeng yun? Ano bang meron sa loob nito?!

"T-tulong...." tila paos na sigaw ng isang bata.

Damn! It's a kid, there's a kid inside!.

Sinubukan kang buksan ang pinto ngunit nakalock ito..

"Asan ba ang susi nito?!" natatarantang tanong ko. Nakakita naman ako ng palakol na nakalagay sa isang glass cabinet.

Pinagmasdan ko muna ang buong paligid nito. Ang daming mga armas.

This place unbelievably amazing! Where am I? Ano ba talagang Lugar to?!.

Napabalik ako sa focus ng muling marinig ang mga kalabog sa loob ng silid. Dali dali kong kinuha ang palakol at bumalik sa tapat ng kwarto. I took a deep breath bago inihampas 'to sa door knob ng kwarto. Unang hampas ko ay hindi ito nasira. Pinagpapawisan na agad ako.

Ang bigat!!.

Muli ko uling inihampas ito. Medyo nasira naman ito. I took a deep breath again bago buong pwersang inihampas uli ito sa door knob. Napangiti naman ako ng mawasak din ito.

Sa wakas!!.

Agad kong binitawan ang mabigat na palakol at pumasok sa loob kahit hingal na hingal pa.  Pero nagulat ako ng walang tao sa loob ng kwarto.. "Teka, asan ka?.. Pinaglalaruan mo ba ako?" Inis na sigaw ko. Muli akong nakarinig ng mga kalabog sa parteng kabinet.

Sana lang hindi 'to multo.!.

Malaking kabinet ito. At may kadenang nakabalot dito.

F*ck! Don't tell me andyan ang bata?!.

Dali dali kong kinuha ang palakol sa may pinto. Agad ko naman itong inihampas sa lock ng kadenang nakakandado sa pinto ng kabinet. Nang masira ito, ay dali dali kong kinalas ang kadena at binuksan ito. Nagulat ako ng makita ang isang napaka putlang batang babae. Yakap Yakap nito ang mga tuhod niya habang umiyak.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon