Chapter 2- Elegant Academy

1.8K 177 12
                                    

"Aviona's Pov"

Maaga akong nagising at nag ayos. After kong mag ready sumakay na ako ng kotse. Anyways first day ko nga pala ngayon sa school ng mga Lee, School ng mga Lee na pag mamay-ari ko na ngayon.

I'm Aviona Lee but only here in there house. I've never used their surname while I'm studying kahit na inampon na nila ako. Nagtataka ba kayo kung bakit? It is because I chose to be an ordinary girl. Nirespeto naman nila ang desisyon ko at ginawan nila ng paraan para maayos ang surname na gagamitin ko. Nag enroll ako sa ibang school gamit ang pangalang Aviona Perez.

Hindi ko alam kung paano at kung anong ginawa nila but, hindi naman na yun nakakapagtaka, afterall, mayaman naman sila kaya they can do whatever they want.

Sobrang bait nila sakin, never kong naramdamang iba ako sa kanila. They treated me like their own daughter. Kaya ipinangako ko din sa sarili kong hahanapin ko ang pumatay sa kanila.

Sisiguraduhin kong magbabayad din sila sa ginawa nila sa tinuring kong pangalawang magulang. Hahanapin ko ang taong nagsadyang magtanggal ng preno sa sasakyan nila.

You heard it right? The car accident is not just an incident. Alam kong sinadya ang mga nangyari. Don't be confused kung pano ko nalaman yun. Well, I have many source.

Magtago na sila ng maayos sa mga lungga nila kase sisiguraduhin kong mahahanap ko sila kahit sa impyerno pa yun.

"Miss Viona, andito na po tayo" nabalik ako sa reyalidad ng mag salita ang driver ko. I just nodded at bumaba na. Nang makita kong umalis na ito ay humarap naman ako sa malaking gate na nasa harapan ko.

Isang malaking pangalan ang nakasulat doon. "Elegant Academy"

Elegant ha? Hmmn.. Well, let's see kung elegant nga ba ang mga nag aaral dito.

Well based on my research yesterday, mga Elites talaga ang nag aaral dito dahil kilala talaga ang pamilya nila. At never pang may nag apply ng scholar dito.

I'm entering this gate with the name Aviona Perez. The first ever scholar ng school nato-school ko.

Everything was already settle, natapos na akong mag exam last week at ngayon ang unang araw ko dito.

I took a deep breath before I entered the gate. Pero bigla akong hinarang ng guard. Seriously? Hindi niya nga pala ako kilala. Tinaasan ko lang ito ng kilay. "Miss, bawal po kayo dito. Mga nag aaral lang po dito ang pwedeng pumasok?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me kuya guard, pero dito po ako nag aaral." medyo mataray na sagot. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Miss, sigurado ho ba kayo? Ngayon ko lang ho kase kayo nakita dito. Patingin nga ho ng ID niyo?"

Eh? Hindi uso transfer? Ano ba tingin sakin ng guard nato, nagbibiro?

Kinuha ko sa bag ko yung ID pero..... Sh*t! I forgot my ID. Kakabigay nga lang pala ni Secretary Min yung ID ko kanina. At pinalagay ko sa room ko. Pero ang sabi naman sakin hindi naman daw yun kailangan dito.

Eh bakit hinahanapan ako ng kalbong to?

"Kyaaah! Girl andyan na sila!"

Biglang nagsigawan sa paligid kaya napalingon ako sa dumating. Sunod Sunod ang mga magagarang sasakyan na dumadaan. Limang sasakyan ata yun I think.

Seriously? Inabangan talaga yan ng mga babaeng to? Tss.

Dadaan sila sa gate kayat binuksan ng malaki ang gate.
Sinamantala ko naman ito para makatakas sa kalbong nasa harap ko. Dali dali akong tumakbo papasok ng school. Narinig ko pa itong sumigaw pero pinabayaan ko na lamang.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon