Chapter 39-Another Surprise

755 39 3
                                        

"Aviona's Pov"

Ano na naman kayang binabalak ng mga 'to? Hmmn.

"So ano? let's go?" biglang sabat ni Drake. Kinunotan ko naman ito ng noo dahil sa paglahad pa nito ng kamay niya.

"H-ha?" medyo maang na tanong ko pa.

Ako lang kase ang inaya niya tas may pa abot abot pa ng kamay sakin. Para tuloy akong inaayang sumayaw.

"Sabi ko, tara?" nakangiting pag aaya pa nito at nginuso pa ang kamay niya.

"Ay taray, may pa ganun.. Are we still invited?" sarkastikong sangat ni dallas habang tinuturo ang sarili at si jayii.

"Y-yeah, Ofcourse." naiilang na sagot nito. Naiilang na sila pag nagsusungit si dallas.

"Oh come'on guys?" napalingon naman kaming lahat kay jayii ng magsalita itong biglang. "Parang masyado naman atang mabigat ang atmosphere dito, lipat na tayo mukhang may iba pa atang venue eh." natatawa pang sabi nito at bumaling naman kay dallas. "At ikaw naman..." pinasadahan niya muna ng tingin ito bago muling nagsalita. "Don't ruin the moment, sayang effort nila kahit nakakabakla." nakangising pagpapatuloy nito.

"Tsk." inirapan naman sila ni dallas.

"T-Tara?" alinlangang tinanggap ko naman ang kamay na nasa harap ko at pilit na ngumiti.

Nauna kaming maglakad ni Drake habang ang iba naman ay nasa likod namin at nakasunod.

Nagdirediretso lang kami palabas ng feild. Pag exit pa lang namin ay iba ibang sigawan at bulungan na ang nangingibabaw.

"Kyahh!"

"Andyan na sila!!"

"Ala girl, look! Si papa Drake nakahawak sa kamay ni Viona!!"

"Omg!! Haba naman ng hair ni ate Viona."

"Ang cute pala nila mag effort.. Kyahh! Kinikilig ako sis."

"Swerte naman ni ate Viona."

"Oo nga!"

Tsk.. Ang iingay! Ang sakit sa tainga!!

"San ba tayo pupunta?" biglang tanong ko naman kay Drake.

"Just trust me." napahinto naman ako sa narinig ko mula sa kanya.

"W-why?" takhang tanong niya dahil sa paghinto ko. Ramdam ko ding natigilan ang iba pa naming kasama sa likod.

"W-what happened? Bat kayo tumigil?" rinig kong tanong ni Kenzo sa likod namin. Pero hindi ko sila pinansin.

Napangisi naman ako bigla ng maalala ko ang nangyari kahapon.

Tiningnan ko naman si drake na nagtatakha pa rin sa paghinto ko.

"Should I really trust you?" nakangisi pero seryosong sabi ko na ikinagulat naman nito.

Mahina lang ang pagkakasabi ko nun sapat lang para marinig niya. Hindi rin nakikita ng iba ang reaksyon niya dahil nanatili kaming nakatalikod sa kanila.

"Tell me Mr. Roberts, should I trust you?" nakangisi paring tanong ko.

Should I trust you—all of you?

Should I?

"A-ah.. E-eh—"

"Mr. Roberts, I already know the vowels of the alphabet kaya hindi mo na kailangang isa isahin sakin yan." nakangiting putol ko sa sinabi niya.

Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon