Chapter 9 : Birdie

961 66 33
                                    

HALATANG NATIGILAN SI Simang. Ako rin naman. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit nasabi ko iyon.

But it was the truth, anyway. Ayokong bawiin.

If Simang was my secret, then she was indeed my favorite secret.

Pagkalipas ng ilang segundong pagkabigla ay umiling siya. "Ayoko..."

I felt disappointed. Pero hindi ko ipinahalata. "Bakit?" kunwari ay kaswal kong tanong.

"Ano... kasi..." She was struggling for words. Ni hindi makatingin nang diretso sa akin.

"Ano?" Hindi ko na rin naitago ang disappointment ko.

"Marami akong gagawin," aniya. "Masisira ang schedule ko kung pupunta ako sa unit mo. Tapos na ang trabaho ko. Sa makalawa na dapat ang balik ko. Saka ano bang gagawin ko 'run?"

"To see me."

Lumabi siya. "Nagkikita naman tayo sa campus, ah."

"Pero hindi tayo nagkakausap," pangangatwiran ko.

"Nagkakausap naman tayo ngayon."

"Pero hindi tayo nagkikita nang personal." Para akong batang nagmamaktol.

Bumuntong-hininga siya at pumalatak. "Marami kasi akong gagawin, eh. Nakaplano na ang lahat—"

"At ako, wala ako sa plano mo... Okay, I get it. Dami mo pang sinasabi. Dami mo pang dahilan—"

"Huy, Bagyo, hindi—"

Then I abruptly ended our video call without waiting for her answer. Without saying good bye.

Naiinis ako kay Simang. Ang dami pang sinasabi. Kung ayaw niya, huwag niya.

Pagalit na ibinalibag ko ang cellphone ko sa sofa at parang batang nagmamaktol na umupo habang nakasimangot.

Putek! Kung ibang babae ang niyaya ko sa unit ko, sasagot agad kahit na hindi pa tapos ang mga salita ko. Samantalang siya, ang daming dahilan. Hindi pa ako diretsahin na ayaw niyang talaga.

And that pissed me off the most. Iyong thought na ayaw niya.

Makaraan ang ilang saglit ay tinungo ko ang duffel bag na dala ko kanina.

And put out two big boxes of macadamia nuts chocolates which I bought for her nang yayain ako ni Marc kanina sa isang maliit na mall sa labas ng HFU.

Marc even asked me kung para kanino iyon. Sabi ko ay para sa akin, dahil bigla ako kakong nag-crave sa chocolates.

Pinagdudahan ni Marc ang sagot ko dahil alam niyang hindi ako mahilig sa chocolates. Pero sininghalan ko siya at sinabing wala siyang pakialam kapag gusto kong kumain ng chocolates.

Wala lang. I saw the chocolates. I thought of Simang. And I felt that I wanted to give these to her. An appreciation for her hard work. Magaling siya. Malinis ang trabaho. Mahusay.

And for always making me laugh.

Napailing ako.

Erase the fucking last thought, Zamora.

Eh, ano ngayon kung napapatawa ako ni Simang? May ibang babae rin naman na napapatawa ako.

Putek! Walang espesyal kay Simang. Period.


"PUTEK, IIWAN N'YO ako?" tanong ko kina Marc at Roi habang nagbibihis kami sa locker room. Katatapos lang ng practice namin.

"May date ako, dude," sagot ni Marc at isinuot ang t-shirt.

"Pinauuwi ako nang maaga ni Daddy dahil may darating kaming bisita. At kapag hindi ko ginawa tiyak na kakaltasan ang allowance ko. Ayokong mangyari 'yun," esplika naman ni Roi.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon