Chapter 23 : Heartache

917 68 69
                                    

I WATCHED ANNIE go. Ang bigat sa dibdib.

Gusto ko siyang habulin. Makiusap.

Makiusap? Ulit ko sa isip. Dude, para saan pa?

Hindi naman niya ako kailangan sa buhay niya. Istorbo lang ako.

Napahilamos ako sa mukha. Ano bang dapat kong gawin?

"Alfred..."

Nag-angat ako ng mukha. It was a pretty girl I cannot even remember the name. She was smiling at me.

"Meya..." pakilala niya sa sarili at ngumiti nang matamis. "We were classmate last sem," paalala niya nang makita niya sigurong nakakunot ang noo ko sa pilit na pag-alala kung sino siya at kung saan kami nagkita.

"Ahh..." matipid kong sabi at napatango. Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Nginitian ko siya.

Tila nagbigay iyon ng lakas ng loob sa kanya para lumapit at tumabi sa akin.

"Why are you alone?" she asked.

Napahawak ako sa batok at marahang umiling.

Somebody broke my heart. Pwede ko bang sabihin iyon?

"Do you need some company?" she openly asked. Openly flirting.

I looked at her. Ang layo niya kay Annie. Meya was fully made up. Maayos ang buhok, mapula ang labi. Namumula ang magkabilang pisngi.

Samantalang si Annie, ni hindi yata nagpupulbos sa mukha. Siguro katwiran niya ay gastos lang iyon. Kung mamula man ang magkabilang-pisngi, iyon ay natural lang dahil nag-blush o kaya ay kinabahan.

Pero si Annie, hindi ka niya kailangan sa buhay niya, paalala sa akin ng isang parte ng utak ko.

Mataman akong tumingin kay Meya. Sinalubong niya ang tingin ko nang may nang-eenganyong ngiti.

"Kailangan mo ba ako sa buhay mo, Meya?" diretso kong tanong. May pagrerebeldeng nabubuhay sa dibdib ko.

Namilog ang mga mata niya. "Of course! Sinong aayaw sa 'yo? You are Alfred Zamora for freakin' sake!" bulalas niya. Halata ang excitement sa boses.

It somehow lifted my spirit. Heto at may babae rin palang gusto ako at hindi iniisip na istorbo. Buti pa siya.

"Good..." matipid kong sabi.

She bit her lower lip. "So?..." She trailed off, leaving the decision to me.

"Let's go," walang pag-aatubili kong sabi.

Nang maglakad kami ay kumapit siya sa braso ko at sinadyang idikit ang boobs niya sa braso ko. "Your place or mine?" she asked me.

"Mine," mabilis kong sagot.

Kung hindi ako kailangan ni Annie sa buhay niya, marami pang babaeng gugustuhin ako sa buhay nila. Hindi siya kawalan. Nabuhay din naman akong wala siya sa buhay ko kaya hindi ko ikamamatay ang pag-ayaw niya sa akin.

Sinapit namin ang kotse ko at nang makasakay kami ay agad akong sinunggaban ng halik ni Meya.

Pero habang hinahalikan niya ako ay mukha ni Annie ang nasa isip ko. Ang salubong niyang mga kilay. Ang nakatikwas niyang nguso. Ang masama niyang tingin.

Pinutol ko ang halik ni Meya at agad siyang inilayo sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya nang salubungin niya ang tingin ko.

"I'm sorry... I just... can't..." sinsero kong hingi ng paumanhin.

She pursed her lips. Disappointment was all over her face. Pinilit niyang ngumiti. "Some other time perhaps?"

Malambing kong kinurot ang baba niya. "Some other time, babe." Napakamot ako sa ulo. "But for now..." Napailing ako. "I'm sorry... I just can't."

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon