Chapter 11 : Deadma

779 65 54
                                    

PARA AKONG NABUNUTAN ng maraming tinik sa dibdib. My heart rate normalized.

Why am feeling this kind of happiness? Na para bang nakuha ko ang pinakagusto ko sa buhay gayong um-oo lang naman si Simang sa isang date sa akin?

Weird.

At talagang sasama siyang makipag-date dahil gusto niya? Dahil gusto niya akong makasama? Maka-date?

Man, that was something for me.

This was not the first time that I asked a girl on a date. Lahat naman sila ay um-oo. Pero bakit ang pag-oo ni Simang ay isang nakapakalaking bagay sa akin?

Ang weird. Ang weird na talaga ng nangyayari sa buhay ko. Ang weird kasi nitong si Simang.

"Uuwi na ako..."

"Ihahatid na kita," sabi ko. "Akina na 'yang bag, ako na ang magdadala."

She didn't argue. Inabot niya ang backpack sa akin.

"Ang bigat naman," reklamo ko. "Dala mo ba ang buong dorm mo rito?"

Sumulyap siya sa akin. "Oo," walang kangiti-ngiti niyang sagot.

I chuckled. I liked the way she retorted. I fondly pinched her arm. "Ang cute mo... Nanggigigil ako sa 'yo..."

She met my gaze. I held it. A few seconds of locking gazes with each other, then both of us laughed. Hers was kind of giggle, showing her teeth. Mine was a low chuckle.

It was a wonderful feeling.

She broke the eye contact and looked away, while shaking her head. May konting ngiti pa ang natira sa labi niya.

Me? I kept looking at her. Gazing at her like she was some kind of flower about to bloom that I was anticipating and if I look away, I would miss the experience of seeing it.

Weird. Just weird.

"Alfred!"

Halos sabay pa kaming napatingin ni Simang sa pinanggalingan ng matinis na boses na iyon.

Si Elle. Patakbo siyang lumalapit sa kinalulugaran namin.

I felt a sense of panic. Agad akong napatingin kay Simang. But she was avoiding my gaze. Walang reaksyong makikita sa mukha niya.

Agad na yumakap at humalik sa labi ko si Elle nang makalapit sa akin.

Agad akong pinanlamigan ng mga kamay at nag-uumpisa na akong pagpawisan lalo pa at ayaw salubungin ni Simang ang tingin ko. Nakamata lang siya sa mga ginawa ni Elle sa akin.

Bakit ba ganito ang reaksyon ko? Pakiramdam ko ay nahuli ako ng girlfriend ko may kalandiang babae at ngayon ay ni ayaw na niya akong tingnan at bagaman walang reaksyong makikita sa mukha, para na ring sinasabing lagot ako.

At may guilt akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay lagot nga ako gayong hindi ko naman girlfriend si Simang.

"I've been calling you. Hindi mo sinasagot. And I've been looking for you around the area, sabi na at dito kita makikita, eh," malambing niyang sabi at ikinapit ang magkabilang braso sa batok ko. Then she kissed me again on the lips. "Marc and Roi said that you need me so here I am..."

Putek! Sabi na, eh.

Napalunok ako. I cleared my throat and tried to untangle her arms at the back of my head. "E-Elle... Ano kasi..."

Pasimple kong hinila ang kamay ni Simang para kunin ang atensyon niya pero pasimple niya ring agad na iwinasiwas. Pasimple rin siyang lumayo sa akin. Nakatingin siya sa kung saan—kay Elle, sa puno sa halaman. Sa lahat.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon