Chapter 1 : Simang

3K 91 71
                                    

"BRUH, ANG SEXY ng naka-date ko kahapon..." nakangising kwento ni Roi, isa sa mga kasamahan kong player sa football team. Inilapit niya ang mukha sa amin na kasama niyang nakaupo sa mesa sa cafeteria.

"At ang galing sa kama, mga bruh. 'Tang 'ina, super!" He wiggled his eyebrows naughtily.

Ang luwang ng ngisi ng gago. Obvious sa mukha na nasiyahan. Nagkukuwento pa lang siya niyan, ha? Paano pa iyong mga "pangyayari" pagkatapos ng date? Feeling nasa cloud siguro ang gago.

"Amputa, 'di nga?" nandidilalat ang mga matang tanong ni Marc.

"Super, bruh! Hindi nga ako makatayo pagkatapos. 'Tang ina, na-drain ang enerhiya ko," tatawa-tawang sagot ni Roi.

Naghalakhakan kaming tatlo sa mesa na ikinatingin sa amin ng halos lahat ng tao sa cafeteria.

Kasama siya.

Si Annie Dizon, isang kilalang academic scholar. Tulad ko ay third year din siya.

Ladies and gentlemen, meet Simang, ang babaeng hindi naturuang ngumiti.

Our eyes met.

I cocked my head on one side and openly appraised her. Mula sa sneakers niyang puti, sa maong pants, sa t-shirt niyang kulay itim pabalik sa mga mata niya. Then I cocked one eyebrow at her and lifted one corner of my lips in a mocking and sarcastic way, meant to irritate her.

And it did. Dahil binigyan niya ako ng isang napakasamang tingin na para bang ako na ang pinakamasamang villain na nakilala niya sa buong buhay niya. Pagkatapos ay inirapan ako at ibinalik ang tingin sa isinusulat sa isang notebook sa harap niya.

Simang, at her highest simangot levels.

Nasa harapan din niya ang isang plastic ng crackers na wala ng laman at isang litro ng mineral na alam kong nire-refill niya lang sa mga drinking fountain na nagkalat sa campus. Alam ko iyon dahil nahuli ko siya minsan na ginagawa niya bukod pa sa mga chismis na nag-re-refill nga siya sa malaking bote ng mineral water niya. Kulang na lang ay isang drum ang dalhin para dito na niya kunin sa eskwelahan ang tubig na pampaligo niya.

At sa tuwinang sinisimangutan niya ako, natatawa na lang ako. Sa lahat ng pagkakataong nag-krus ang landas namin sa campus, lagi niya akong sinisimangutan na para bang meron akong nagawang malaking kasalanan sa kanya samantalang ni hindi ko nga siya pinagkakausap.

Baka noong past life namin ay isa siya sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin at hindi ko pinansin.

O hindi kaya naman ay may crush siya sa akin at naiinis dahil hindi ko siya pinapansin? Idinadaan na lang sa pagsisimangot at baka sakaling mapansin ko siya?

Putek! Hindi ko siya type.

Iisa lagi ang style ng pananamit—t-shirt, maong pants at sneakers. Iba-iba lang ang kulay ng plain t-shirt na mukhang iisa lang brand. Actually, limang kulay lang ang meron siya. Black na suot niya ngayon, white, pink, yellow at blue.

Madalang pa sa patak ng ulan kapag tagtuyot kung mag-iba ng outfit niya sa eskwelahan si Annie Dizon.

Annie 'Simang' Dizon.

I snorted habang pinaglalaruan sa utak ko ang pagtawag ko sa kanya ng 'Simang'. Siguro ay narinig niya kaya tumingin siya sa akin. Sinalubong ko ang tingin niya.

Hindi naman siya kapangitan. Kung tutuusin cute siya kahit na iisa lang outfit. Cute kahit na nakasimangot palagi. Kaya lang minsan ay nakakairita ang pagsisimangot niya. Parang kontrabida ang dating ko.

Come on, hindi pang-kontrabida ang kagwapuhan ko.

For a few seconds, our gazes locked. Her brows furrowed, pailalim ang tingin. At bago pa niya ako mairapan, I sarcastically smirked at her and broke our contact. Ibinaling ko ang tingin sa tropa ko at nakitawa sa kanila kahit na hindi ko alam kung tungkol saan na ang pinagtatawanan nila.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon