Chapter 7 : Date

984 66 30
                                    

"THIS IS MY unit," sabi ko kay Simang nang makapasok kami sa condo unit ko. It was located just near the HFU campus.

Sabay kami ng out ngayon. Tapos na ang practice ko, tapos na rin ang klase niya. We secretly met at the reception of the condo building. Pinaghintay na naman niya ako ng fifteen minutes. Malayo raw kasi ang nilakad niya.

Hindi ko alam kung bakit nato-tolerate ko si Simang sa pagpapahintay niya sa akin. Wala akong natatandaang naghintay ako sa isang babae. Kay Simang lang. And the weird thing was, I would still wait for her kahit na naiinis ako.

"Ang ganda..." humahangang sabi niya habang nililibot ng tingin ang buong paligid. She was still carrying her backpack, her hands on its handle. "Ang laki. Kasya na ang limang pamilya rito, ah."

Ibinaba ko ang card key sa isang maliit na side table sa gilid ng pinto. "I like big spaces."

Ngumisi siya. "Typical rich," komento niya, a little bit sarcastic.

I rolled my eyeballs and let her sarcastic comment slide.

Lumapit siya sa isang abstract painting na nakasabit sa gitna ng living room ko. It was from the national artist Domingo Sebastian.

"Wow, an abstract painting from Domingo Sebastian," bulalas niya nang makita kung sino ang painter. Tumingin siya sa akin. "I think this is one of the limited abstract paintings of Domingo Sebastian because he doesn't do much abstract painting. He's into realism art." Tiningnan niyang muli ang painting at matamang pinagmasdan. "This alone costs a fortune because it's somewhat rare."

I shrugged my shoulders. I already knew that anything from Domingo Sebastian cost a fortune. Pero hindi kayang bayaran ng anumang halaga ang painting dahil sa mommy ko ito. Nagustuhan ng mommy ko so binili ng daddy ko para sa kanya. My mom claimed that she saw a "heart" in that abstract painting and that she fell in love with it the moment she saw it.

Paulit-ulit ko mang tingnan ang abstract painting pero wala akong makitang "heart" o shape man lang ng heart. But the painting became one of my mom's favorites.

Kaya kinuha ko ito mula sa bahay namin sa White Plains simula nang bilhin ni daddy ang condo unit para sa akin. A constant reminder of my dearest mom.

Akmang hahawakan niya ang painting pero sumigaw ako ng "hoy, bawal!" at napapitlag siya sa gulat.

I laughed out loud. Ang cute kasi ng reaction niya nang magulat siya. Isang nakakamatay na tingin ang binigay niya sa akin bago ako tinalikuran. Binuksan niya ang glass door patungong loft at nakita kong tila sumamyo siya ng hangin.

Hindi ko alam pero napapangiti ako habang pinagmamasdan ko siya na tila isang batang amaze na amaze sa nakitang magandang laruan.

"Ilan ang kuwarto nito?" tanong niya matapos pumasok mula sa loft.

"Three."

Nanlaki ang mga mata niya. "Tatlo?" ulit niya. "Samantalang mag-isa ka lang na nakatira rito."

I cocked an eyebrow at her. "May problem ka ba r'on?"

"Wala naman," kibit-balikat niyang sabi. "Nakakaano lang isipin na mag-isa ka lang sa ganito kalaki at kagandang lugar samantalang meron walong miyembro ng isang pamilya ang nagsisiksikan sa isang barong-barong. Ang unfair lang."

Was she speaking for herself? Dapat pala ay hiningan ko ng biodata si Simang para man lang nagkaroon ako ng pasilip sa family background niya. Pero huli na. I already hired her. Kaya nga siya naririto.

"Kailan ba naging patas ang buhay?" balik-tanong ko sa kanya.

Life was unfair for me, too, I wanted to tell her.

College Hottie Series #6 : Si Bagyo At Si SimangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon